AN: This chapter is also in the chapter 3 and 4 of my book Worthless.
-9 MONTHS PASSED-
Loucy's POV
"Come on. Bili na tayo ng bagong sapatos mo." Aya ko kay Ford nang matapos kaming kumain.Tumango naman ito at inalalayan ako na umalis na rin sa upuan ko. After that he hold my right hand as we exit the restaurant. Kahit ako mismo hindi ko maintindihan si Ford. Naaalala ko pa yung mga oras na pinilit niyang makipaghiwalay sa akin at hindi lang isa o dalawang beses nangyari 'yon. Pero tanda ko pa na simula nung mauntog ako sa isang set kung saan gumawa kami ng commercial ay bumalik na siya sa dati.
Ang Ford na sweet, maaalalahanin at mapagmahal. Kahit na may mga pagkakataon pa rin na nahuhuli ko pa rin siya na may kasamang iba. Hindi na niya ako inaaya na makipaghiwalay sa kanya na hinihintay ko mangyari. Alam ko kasi na hindi niya ako titigilan sa hiling niya na 'yon.
Today we're here in the mall. Inaya niya ako magdate at samahan ko raw siya maghanap ng sapatos na pangtraining niya. Dahil katatapos lang ng trabaho ko kanina ay pumayag ako kaya magkasama kaming naghahanap ng gusto niyang sapatos. May nadaanan kaming isang kilalang branch ng sapatos sa gitna ng paglalakad namin kaya tinuro ko ito kay Ford.
"Ayaw mo magtingin don?" I asked him while pointing at the shop.
Tumingin naman siya sa tinuro ko na shop saka umiling. "Mabilis masira sapatos nila kapag pinanlalaro ko." He said.
Dahil nasa hilera kami ng mga shop ng mga sapatos ay lahat ng gustong brand ni Ford ng sapatos ay pinasukan namin. "Mamili ka muna riyan. Punta lang ako sa kabilang store. May nagustuhan akong sapatos doon nang madaanan natin kanina." Paalam ko sa kanya para tignan yung isang rubber shoes na nagustuhan ko sa kabilang shop. Knowing Ford, matagal siyang mamili ng sapatos dahil talagang binubusisi pa niya ang quality.
Tumango lang ito habang pinagmamasdan ang mga sapatos sa estante para mamili. Umalis na ako nang pumayag siya saka pumasok sa kabilang shop para magtingin tingin din. Hindi kalaunan ay nakabili nga ako ng dalawang sapatos.
"Thank you po ma'am! Ay teka lang po! Papicture po muna kami!" Sabi ng sales lady sa akin.
Huminto naman ako sa paglabas at saka hinintay sila na magpapicture sa akin. Medyo tumagal tuloy ako sa shop kaya naman si Ford ay natanaw kong naghihitay na sa labas. Nang makita ng mga sales lady si Ford ay nagpapicture din sila rito.
Natatawa akong lumayo sa kanila ng konti para tignan kung anong oras na sa cellphone ko. Nang makita ko na naglakad na palapit sa akin si Ford ay nag-umpisa na rin ako maglakad ng dahan-dahan saka sinilip sandali ang laman ng dalawang paperbag ko.
"Ouch!" Muntik ko ng mabitawan ang mga dala ko dahil sa lakas ng pagkakabunggo sa kung sino.
"Sorry." Sabi ng nakabangga sa akin habang may pinupulot sa sahig bago ako binalingan ng tingin.
"It's okay." Nakangiting sabi ko naman sa kanya nang makilala ko siya.
The best friend of my other boyfriend and my schoolmate way back in college. Diarra Gomez the heiress of GCL. One of the most pupolar fashion line here in the country and in Singapore. Ang laging bukangbibig ni Callos kapag magkasama kami kaya lagi namin siyang pinag-aawayan.
"Oh it's you, Lou. How are you?" Bawi niya nang makilala niya rin ako.
"I'm pretty fine. How 'bout you? You look fresh!"
She smile at me. I am not sure but I can sense that it was a fake smile. Well it's okay. My smile is also fake at this moment. Makaharap mo ba naman ang lagi niyong pinagtatalunan na magkasintahan makangiti ka kaya ng maayos at umaktong wala lang.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...