CHAPTER 1: USUAL ROUTINE

1.3K 10 1
                                    

Loucy's POV
"Lou you ready?" Franz ask me the moment she stepped here inside the dressing room.

I looked at her while slightly combing my very straight hair. Thanks to the hairdresser. "Yeah. Saan ka ba nanggaling madam?" Tanong ko sa manager ko na papalapit sa akin at may hawak na isang cup ng kape mula sa sikat na coffee shop.

Inilapag niya sa mesa na nasa harap ko ang kape bago sumagot. "I bought a coffee for you. Ang putla mo kaya kanina nung sunduin kita sa bahay niyo. Halatang kulang na kulang ka sa tulog, pahinga at kain. Hindi mo na inalagaan ang katawan mo. Puro ka na lang trabaho." Sermon niya sa akin saka inayos ang mga gamit ko.

"Natutulog at kumakain pa naman ako. Saka kaya pa naman ng katawan ko madam. Ikaw naman kasi, ang dami mong kinuha na projects. Hindi tuloy ako magkandaugaga katatrabaho. Taping dito, shooting doon, pictorial dine, endorse diyan." Pagod na sabi ko saka uminom sa kape na ibinigay niya sa akin.

Kahit papaano ay nawala ang antok at lamig na nararamdaman ko. Bakit ba kasi sobrang lamig naman dito sa dressing room? Nakakahiya naman pahinaan dahil hindi lang naman kami ng manager ko ang nandito. May tatlong artista, tatlong makeup artist at isang hairdresser ang nandito kasama namin. Nauna lang ako ayusan dahil maaga kami ni Franz nakarating dito.

Sinamaan ako ng tingin ni Franz saka siya tumabi ng upo sa akin. "Aba babae, baka nakakalimutan mo, lahat ng projects na inaalok sa akin sinasabi ko sayo. Tinatanong kita palagi kung kaya mo ba? Tatanggihan ko ba? Tapos ako pa itong sisisihin mo. Hayaan mo, hindi muna ako tatanggap ng mga projects mo para makapagpahinga ka naman. Pagkatapos nung movie na gagawin mo maglaan ka muna ng oras para sa sarili mo."

Wala sa sarili akong tumango. "Mahigit isang oras pa bago ang press conference niyo. Gusto mo ba magpakita ka na sa mga fans mo para makapagpapicture na sila sayo? Para mamaya pagkatapos ng press conference iuuwi na agad kita."

Marahan akong tumango saka inubos muna ang mainit na kape bago kami lumabas ni Franz ng dressing room. Natatawa pa nga ito sa akin dahil parang bubuwal daw ako ano mang oras. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na kami hanggang makarating kami sa mga fans malapit sa stage at may nakaharang na barikada.

Naghiyawan agad sila nang makita nila ako. Kumaway naman ako agad sa kanila at binigyan sila ng malaking ngiti sa mga labi kahit hindi naman talaga ako masaya. Showbiz. Nakita ko na mabilis naglabasan ang mga bouncer habang ang mga tao naman ay hindi magkandamayaw sa pagkuha ng litrato sa akin.

Gaya ng madalas kong gawin, kinukuha ko ang cellphone sa kanila para ako mismo ang kumuha ng selfie namin ng may ari ng cellphone. Medyo ang unfair lang kasi ang mga malapit lang sa barikada ang nakasama ko sa mga picture. Ang mga nasa gawing likod ay hindi na makakakuha ng pagkakataon dahil hindi ko na sila maabot at kung pupunta naman ako doon ay baka magkaroon pa ng stampede. Na ayokong mangyari dahil marami ang masasaktan.

"Ang ganda mo miss Loucy! Bagay na bagay kayo ni Ford!" Tili ng isang bakla na katatapos ko lang makaselfie.

Malaki ang ngiti ko na inabot pabalik sa kanya ang cellphone niya saka nagpasalamat. "Thank you. Nuod kayo ng You Need To Love Me kahit kontrabida ako roon."

Mabilis naman itong tumango habang hindi mapuknat ang malaking ngiti sa kanyang mga labi. "Oo naman miss Loucy! Hindi ko papalampasin ito kagaya ng mga nauna mong projects!"

Nagpasalamat ulit ako rito bago ako sumunod na kay Franz pabalik ng backstage. May ilan pang tumatawag sa akin para makipagpicture pero hinila na ako ni Franz dahil malapit na magsimula ang press conference.

"Humuhulas ka na!" Sabi ni Franz nang mapansin niya na medyo namumuo na ang pawis sa nuo ko.

"Oo nga. Dito na lang tayo magpahinga. Malakas ang aircon dito." Sabi ko saka naupo sa isang silya. Dinala kami ng mga paa namin dito sa gitna ng backstage malapit sa dressing room.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon