Loucy's POV
"Wala ho akong kasalanan at kinalaman sa kung ano man ang mga lumabas na issue tungkol kay Loucy Trinidad. Ito na po ang huling beses na sasabihin ko 'to sa inyong lahat. Nasa sa inyo na 'yon kung maniniwala kayo o hindi. Sa korte na lang magkakaalaman ng totoo."Walang imik lang ako habang pinanunuod ko sa Diarra sa balita habang pinalilibutan siya ng mga reporter. Daddy sent her in the jail. I don't know until when but what I know is that Diarra will not stay long there. Sa tingin ko baka mga isang linggo lang makakalaya na siya dahil lalabas din talaga ang totoo. Lalo pa ngayon na hindi na mahagilap pa si Ford kaya si daddy ay talagang tinututukan ng husto ang issue ko.
Pati ang mga media ay ibinabalita na rin tuloy na maaring si Ford ang totoong may kasalanan o kasabwat siya sa issue ko dahil bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Gaya nga ng sabi ko, ang media hindi mananahimik ang mga 'yon basta-basta. Malamang ay gusto rin nilang malaman ang saloobin ni Ford sa mga kumalat na video ko. Pero ang tanong ngayon ng media ay nasaan siya.
Walang gana na pinatay ko ang tv ko saka tahimik na umiyak. Nasaan ka na ba Ford?! Huwag mong takasan ang kasalanan mo!
Alam ko na hindi ko nakumbinsi si daddy ng ganon katindi nang sabihin ko sa mga media na si Diarra Gomez ang hinihinalang kong gumawa ng bagay na 'yon sa akin. Hindi naman senador ang tatay ko ng bansa ng kulang sa pinag-aralan at experience. Isa pa ang dami na rin niyang nahawakan na mga kaso kaya alam ko sa sarili ko na hindi ko basta-basta mabibilog ang ulo ng ama ko.
Dinampot ko agad ang cellphone ko na nasa tabi ko lang nang tumunog ito. Callos is calling. Sinagot ko naman ito agad dahil kanina ko pa hinihintay ang tawag niya. "Hello my Callos."
"Hey my Loucy. Sa ngayon hindi pa matibay ang ebidensya na si Diarra talaga ang may kasalanan sa mga kumalat na fake videos mo pero huwag kang mag-alala. Inuungkat ng mabuti ng mga kawani ng pulis ang mga maaaring sangkot sa issue na 'to. Sa ngayon kailangan naming makausap si Ford dahil isa rin siya sa mga tao na itinuturo ng mga pulis."
Naikuyom ko ang kamao ko na nakahawak sa kumot. Hindi ko alam kung kanino dapat ako magalit. Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang dapat kong sisihin kung bakit umabot pa ako sa punto na 'to. Si Ford ba, ako, yung mga gumawa ng video?!
Kasi kahit saan namang anggulo tignan ay alam ko na may kasalanan ako. Kung tama nga ang sinabi ni daddy, na kaya nagawa ni Ford ang bagay na 'to ay dahil sa desperado na raw ito na makipaghiwalay sa akin, may kasalanan talaga ako. Dapat yata talaga pinalaya ko na si Ford noon pa. Kahit masakit man pero mukhang mas kakayanin ko 'yon kaysa sa ginawa niya sa akin ngayon.
Hindi lang niya ako sinira sa maraming tao. Binaboy niya ako ng husto at parang isang kaladkaring babae na hayok sa laman at lalaki. Grabeng effort din talaga ng ginawa niya para lang sa mga edit na 'yon. Gaya nga ng sabi ni daddy, may ipinakita raw na mga video ang mga editor na cctv footages kung saan makailang beses kinakamusta ni Ford ang mga ineedit nila na video.
"Loucy? Nandyan ka pa ba?" Kuha sa atensyon ko ni Callos na nakalimutan ko ng kausap ko nga pala sa cellphone.
"A-Ah sorry. May hinahanap kasi ako. Ano nga ulit yung sabi mo?" Natuto na akong maging sinungaling. Araw-araw na lang yata akong nagsisinungaling ngayon. Samantalang ayoko dati sa mga sinungaling at hindi ko rin dati gawain 'yon.
"Sabi ko kapag hindi nagpakita si Ford sa mga pulis paglipas ng tatlong araw ay hahanapin na siya ng mga pulis at hindi na rin siya makakalabas ng bansa. Maybe you can contact him and tell him to be brave and bring his ass here in the police station. Kailangan na kailangan ng kooperasyon niya rito ngayon Loucy."
Huminga ako ng malalim bago ako sumagot. "I can't really reach him through the calls and even in his social media accounts. Palagi ko rin siyang hinahanap sa lola niya pero hindi rin alam nung lola niya kung nasaan siya ngayon."
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...