Callos' POV
"Why are you not answering my calls?!" I said while gripping my hair tight because of frustration.Hindi kasi sinasagot ni Loucy ang mga tawag ko. Simula pa kagabi. Importante pa naman ang sasabihin ko sa kanya dahil tungkol ito sa manlolokong si Ford. Dahil mukhang wala naman siyang balak sagutin ang tawag ko ay pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila.
Mabilis akong naligo at gumayak. Dala-dala ang attache case ko ay lumabas na ako ng bahay namin at sumakay sa kotse ko. Hindi naman sobrang kalayuan ang mansyon nila Loucy kaya mabilis lang akong nakarating.
"Sino po ang sadya nila sir?" Tanong sa akin ng gwardya pagbaba ko ng bintana ng kotse ko.
"Si Loucy sana ang sadya ko. Kakausapin ko sana siya tungkol sa mga isasampang kaso laban kay Ford Esteban."
"Nako po kagabi pa po umalis si ma'am Loucy dito." Nakakunot nuong sabi ng gwardya na kausap ko.
"Ganon po ba. Sige po babalik na lang ako mamaya, baka sakaling nakabalik na siya non."
Umiling naman ito. "Hindi na po babalik si ma'am Loucy dito sir. Dala na po niya ang ilang gamit niya pag-alis niya kagabi."
"Ah bumalik na siya sa condo niya? Doon ko na lang po siya puntahan." Akmang isasara ko na ang bintana ng kotse ko nang pigilan niya ako.
"Wala po siya roon sir. Hindi po siya pwede ron kasi po delikado pa sa ngayon." Dagdag nito.
Ako naman ang napakunot nuo. "Ho? Eh nasaan po kaya siya ngayon? Saan po nagpunta si Loucy?"
Ang katiting na pag-asa na meron ako ay nawala nang umiling siya. "Hindi ko po alam sir. Basta po ang alam ko umalis siya at hindi muna siya babalik sa ngayon dito."
Akmang magsasalita ako nang may bumusina. Napalingon kami pareho sa gate ng mansyon nila Loucy at nakita namin ang isang kotse na palabas pero hindi makalabas dahil kausap ko ang gwardya na nakatoka sa gate. "Sandali lang po sir. Pagbubuksan ko lang po si senator.".
Tumango ako at hinayaan ko siya na umalis para pagbuksan ang ama ni Loucy.Pero nagtaka ako nang hindi naman bumukas ang gate pagkatapos ng ilang segundo. Mas lalo pa akong nagtaka nang tumatakbong bumalik sa akin ang kausap ko kanina na gwardya. "Pinapapasok po kayo ni senator. Mag-usap daw po kayo."
Nagulat at nagtaka ako sa sinabi niya pero nang sa tingin ko ay alam ko na ang dahilan ay pumayag ako. Baka magtatanong tungkol sa kaso na pwedeng isampa kay Ford. Ilang sandali pa ay unti-unting umatras ang sasakyan ng ama ni Loucy palayo sa gate kasabay ng pagbukas ng gate para makapasok ang sasakyan ko. Medyo kinakabahan man ay pinagsawalang bahala ko na lang 'yon at nagtuloy-tuloy na ako sa loob ng compound nila.
Nang makahanap ako ng maayos na pwedeng parkingan ng sasakyan ko ay inihinto ko na rito ang dala kong kotse saka bumaba dala ang attache case ko. Naglakad ako papunta kay senator na nakatayo sa main door at hinihintay ang paglapit ko sa kanya.
"Magandang umaga po senator. Nagpunta po sana ako rito para kausapin si Loucy tungkol sa mga kaso na pwede niya pang isampa kay Ford Esteban." Ilang beses ko na rin kasi siyang nakadaupang palad kasama ang abogado niya dahil inaayos nga namin ang naging issue ni Loucy.
He looked at me unconvincingly. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Pagkatapos may makahuli sa inyo ng anak ko na magkadikit ang labi sa garden."
Hindi ako nakaimik agad at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. May nakahuli ba sa amin non nang nakawan ko ng halik si Loucy?! Pero hindi sinagot ang panalangin ko dahil tumango si senator. "May nakahuli sa inyo at nahagip din kayo ng cctv sa garden. Kaya kita gustong makausap ay hindi dahil sa kaso na isasampa kay Ford. Gusto kitang makausap sa totoong relasyon niyo ni Loucy."
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...