CHAPTER 12: RISK

278 6 6
                                    

Loucy's POV
"Look at my wallpaper my Loucy." Callos said when we sat comfortably inside the taxi. Kagagaling lang namin sa airport mula sa byahe galing Boracay.

Tinignan ko naman ang pinapatignan niya at napangiti ako at hindi ko maitago ang kilig sa mukha ko. "That was so cute. A perfect shot." Puri ko sa picture naming dalawa na kung saan magkayakap kami habang papasikat ang araw at nakayakap siya sa akin mula sa likuran.

Saktong-sakto ang sinag ng araw para gumanda ang quality ng picture namin. Nasa harap kami ng bintana ng hotel room kung saan kami tumutuloy. We look like a perfect couple in the picture.

"Of course. Gabi pa lang naisip ko na ang ganyang take. Kaya lang baka kako hindi ka naman magising ng maaga at kapag nangyari 'yon hindi natin maaabutan ang tanglaw ng sunrise sa bintana." Niyakap ko siya.

"Hindi mo ako gigisingin kung sakali?"

He shook his head. "Hindi. Bakit ko naman peperwisyuhin ang tulog mo. Pwede naman nating gawin 'yon ulit kapag malapit na gumabi. Sunset na nga lang." We both chuckle because of his lame joke.

Bago ako lumayo sa pagkakayakap sa kanya ay ikiniskis ko muna ang ilong ko sa ilong niya. "I love you." He said that makes my heart beats fast.

"I love you too Attorney." I whispered.

"Thank you for giving me a chance to prove to you that I can be a good boyfriend to you." He whispered back. Yes, sinagot ko na siya nung nasa Boracay kami. Kaya kami na.

"No. It's me who needs to say thank you because you still want me despite of my relationship status."

He hugged me softly. "I don't care my Loucy. I really don't care if you're still in a relationship with Ford. As long as I make you happy and you make me happy, that's enough for me."

Pasimple kong pinahid ang namuong luha sa mga mata ko at saka ko ulit siya niyakap ng mahigpit.

"Ma'am, sir, nandito na po tayo." Anunsyo ng driver ng taxi na inarkila namin galing airport.

Napatingin kami parehas ni Callos sa labas at nandito na nga kami sa labas ng condo building ko. Nauna bumaba si Callos at ang driver para kunin ang mga maleta namin at saka pa lang ako inalalayan ni Callos pababa ng kotse. I was about to give our transportation fee to the driver when Callos shook his head. Siya ang nagbayad ng pamasahe namin at wala na akong nagawa pa.

Nang makapagbayad ay sabay kaming naglakad papunta sa entrance ng condo building hanggang sa makarating kami sa condo unit ko. Ang usapan kasi namin ay dito muna siya sa condo unit ko at uuwi lang siya mamaya kapag gabi na. Anong oras pa lang naman kasi.

Maaga ang naging flight namin pauwi rito kaya naman magtatanghali pa lang ay nandito na kami sa Manila. Kaya naman pagpasok pa lang namin ng unit ko ay tinanong ko na agad siya kung anong gusto niyang tanghalian. "Huwag na tayong magluto. Umorder na lang tayo. Alam kong napagod ka sa byahe." Sabi niya nang tanungin ko siya kung ano ang gusto niyang iluto ko.

Umupo ako sa tabi niya sa sofa at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Wala pa ngang tatlong oras yung byahe natin e." Katwiran ko. Hindi naman kasi ako napagod sa byahe namin dahil sa tulog lang naman ako ng tulog kanina sa eroplano.

He caress my hair that calms me. Napapikit tuloy ako dahil sa mga haplos niya. "Kahit na. Oorder na lang ako. Magpahinga na lang tayo habang naghihintay ng pagkain."

Dahil ayoko ng makipagpilitan pa sa kanya ay hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. "Magpalit lang ako ng damit." Paalam ko sa kanya pagkatapos niyang tumawag sa isang hotline para umorder ng pagkain.

Hinayaan naman ako nito na makapagpalit ng mas komportable na damit saka ko siya binalikan sa sala. Napataas ako ng kilay nang makita ko siya na naka sandong puti na lang at cotton shorts. Natatawa akong tumabi ulit sa kanya. "Nagpalit ka rito habang nagpapalit ako sa kwarto?" Tanong ko pa.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon