Loucy's POV
"Ang bango ng niluluto mo ma'am." Kasabay ng boses na bumalot dito sa kusina ay ang mga papalapit na yabag. Kilala ko naman na ang boses na 'yon at si Ethan ang nagmamay-ari non.Nilingon ko siya pagkatapos kong takpan ang niluluto kong lechong kawali. "I know right. Magaling yata ang nagturo sa akin." May pagmamalaki kong sabi na ikinangiti niya.
"Talagang ginawa niyo ng hobby ang pagluluto ma'am." Sabi pa niya saka kumuha ng tubig sa ref.
"Kaysa naman mabaliw ako sa sobrang inip dito. Hindi naman ako pwedeng lumabas, alam mo 'yan. Saka para pagbalik ko sa lungsod marunong na marunong na talaga akong magluto."
"Good for you ma'am. Pinuntahan talaga kita rito sa kusina kasi may sasabihin nga pala ako sayo na importante."
Napakunot nuo ako. "Ano naman 'yon?"
"Pupunta raw si senator dito ngayong araw para makausap ka."
Binalikan ko ang niluluto ko saka ako nagsalita. "Bakit daw? Pababalikin na ba niya ako sa mansyon?" Biro ko naman.
"Hindi po sinabi ma'am. Basta raw po sabihin ko sa inyo na pupunta siya ngayong araw dito."
Nagkibit-balikat naman ako. "Ano pa nga ba ang magagawa ko kung ganon? Hindi niya ba sinabi kung anong oras siya pupunta rito?"
"Hindi rin ma'am. Puntahan ko na lang po ulit kayo mamaya kapag tumawag siya ulit."
Sumagot lang ako rito ng okay at iniwan na niya akong mag-isa. Pagkatapos kong lutuin ang ulam namin para sa tanghalian ay umakyat ako sa second floor para maligo. I am using my room before when we're still living in this house. Malaki rin naman ang bahay na 'to pero kung ikukumpara sa mansyon namin ay triple nito ang laki non. Mas maliit ang kwarto ko rito dahil bata pa ako nung huling ginamit ko ito pero ayos pa rin naman ang laki para sa akin. Nandito nga rin ang mga damit ko simula nung toddler pa ako at pati yung mga nakaliitan ko na.
Nagpahinga ako sandali habang nanunuod ng tv at pagkalipas ng ilang minuto ay nagpasya na rin akong maligo. Pagkaligo ko at pagkabihis ay kinuha ko ang camera sa ibabaw ng mini vanity mirror ko. Sa tuwing nakikita ko ang vanity mirror na 'to ay naaalala ko ang mga kaartehan ko nung bata pa ako. Tandang-tanda ko pa kung paano ako naglupasay non sa mall para lang bilhin sa akin 'to nila daddy dahil naiinggit ako sa vanity mirror ni mommy.
Mabilis pa sa alas-kwatro na binili sa akin ni daddy ang vanity mirror na 'to. Hindi pa ito sira at mukhang matibay pa naman. Siguro ay dahil sa inaalagaan nila inay ng husto ang mga kagamitan namin dito. 'Yon nga lang wala ng laman ang mga drawer nito dahil kung hindi ako nagkakamali ay dinala ko rin ang mga 'yon papunta ng Manila dahil nangako si daddy na bibilhan niya na lang ako ng bagong vanity mirror doon pagkarating namin.
Binuksan ko ang camera na luma na rin ang model. Sabi ni inay ay naiwan daw ito ng ina ko nung umalis siya at hindi na namin nadala ni daddy nung lumipat kami ng bahay. Nabanggit din niya sa akin na makailang beses din daw itong ginamit ng mga anak niya kapag may field trip at isasauli lang kapag tapos na. I'm glad that it is still working. Baka kung hindi ito ginamit ng mga anak ni inay ay baka hindi na ito gumana pa. Besides wala naman ng ibang gagamit nito nuon kaya ayos lang na gamitin nila pansamantala. Hindi naman kami madamot pagdating sa mga gamit.
Umupo ako sa upuan na kapartner ng vanity mirror at saka ko inayos ang camera kung saan makikita ang mukha ko. I'm starting to take a video. Ngumiti at kumaway ako sa camera bago ako nagsalita. "Hi! Today is March 17. Ilang buwan na rin akong nandito sa Bataan at pagkatapos ng ilang buwan kong pananatili rito, sa wakas pupuntahan na rin ako ni daddy. Hindi ko alam kung bakit at sa kung anong dahilan. Babalik na lang ulit ako mamaya kapag dumating na si daddy at nakapag-usap na kami. Bye."
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...