LAST CHAPTER: VOLKSWAGEN

812 18 2
                                    

Loucy's POV
"Oh bakit umiiyak 'yan daddy?" Tanong ko kay daddy na karga-karga si Volkswagen at umiiyak ito sa mga bisig niya.

May suot pa sila na ternong bathrobe dahil kaaahon lang nila sa swimming pool na dalawa. May goggles pa ang anak ko sa nuo niya at ang buong mukha ay namumula kaiiyak.

Nilapitan ko sila ni daddy at kinuha ko siya mula rito. "Ayaw pa umahon. Matindi na ang sikat ng araw sa labas saka kanina pa kami nagbababad. Sisipunin na naman 'yan kapag napagbigyan."

Pinunasan ko ang luha ng anak ko pero lalo lang siyang umiyak. "Tahan na. Bukas na lang ulit magswimming hmm?" Pag-aalo ko sa kanya habang karga ko pero umiling lang siya.

"Sorry na apo. Bukas na lang ulit. Papabili tayo kay mama Yancie ng bagong salbabida saka damit pang swimming. You like that?"

Umiling ulit ito habang pinupunasan ang sariling mga luha. "How about ice cream? You want some ice cream?" Hindi talaga titigil si daddy hanggat hindi niya nasusuyo ang pinakamamahal niyang apo.

Doon lang unti-unting tumigil sa pag-iyak si Volks at tumango na rin sa wakas. Nakahinga naman na ako ng maluwag nang sa wakas ay pumayag na siya sa alok ni daddy na ice cream. Medyo mahirap kasi suyuin 'tong anak ko pero hindi naman siya kagaya ng ibang bata na nagwawala kapag hindi nakuha ang gusto. Madalas ay hindi lang siya titigil sa kaiiyak kaya sinusuyo namin.

"We'll just change your clothes and then we'll eat ice cream okay?" Tumango ulit ang anak ko at nagpayakap at nagpahalik na rin sa wakas sa lolo niya.

"Love you...How about you, do you love wowo?" Paglalambing ng ama ko rito.

Nagflying kiss naman si Volks sa kanya at sinabing i love you wowo. Kaya naman bago magpalit ng damit si daddy ay masaya na ang tabas ng kanyang mukha. Ako naman ay iniakyat ko na rin si Volks sa kwarto namin para mapalitan na ng damit.

Dinala ko siya sa banyo para banlawan saka ko siya binihisan ng tuyong sando at short. Napailing na lang ako nang unti-unti ng mamula ang kanyang balat dala ng sobra niyang kaputian. Ano na naman kaya ang sasabihin ng ama niya pag-uwi kapag nakita ang kutis niya.

"Dada?" He asked while I'm combing his wet hair.

"Work baby. Uuwi rin 'yon mamaya after mo magsleep."

Ngumuso ito na lihim kong ikinangiti. "Need ko po ba magsleep lagi para umuwi si dada?"

I pinched his cheek slightly. "Of course. Diba si dada na mismo ang nagsabi sayo na kapag natulog ka, uuwi siya. Tumatawag kaya siya sa akin kapag tulog ka na para itanong kung natutulog ka nga. Kasi kapag hindi ka natulog, hindi siya uuwi."

Tumingin siya sa akin kaya napahinto ako sa pagsusuklay ng buhok niya. "Please call dada, mama. I want some pasalubong."

"Okay. Halika pabanguhan muna kita." Umalis ako sa kama saka ko kinuha ang baby cologne niya na kabibili ko lang.

"I don't like that. Yung gift ni wowo." Sabay turo niya sa pabango na binili ni daddy sa kanya.

Sinunod ko na lang ang gusto niya pagkatapos ay nilagyan ko siya ng pulbos sa mukha. "Mama, mama, call dada now." Tumakbo siya paalis sa harap ko saka kinuha ang cellphone ko na nasa kama.

Sumunod naman ako sa kanya saka tinawagan ko nga si Ford. "Hello waffle. You miss me or there's a problem?" Hindi ko napigilan na mapangiti dahil sa kilig na nararamdaman ko.

"Nope. Volks has to say something. Come on baby, tell dada what pasalubong you want." Sabay bigay ko sa anak ko ng cellphone.

"Dada!" Masiglang sabi ng anak ko. Niloudspeaker ko naman ito kaya naman naririnig ko ang mga sagot ni Ford sa kabilang linya.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon