CHAPTER 39: DADDY'S GIRL

511 4 0
                                    

Ford's POV
Hawak-hawak ko ang kamay ni Loucy habang hinihintay ko na magkaroon siya ng malay. Si tita Yancie naman ay bumalik sa loob ng kwarto ng daddy ni Loucy dahil wala itong bantay habang ako naman ay dinala rito sa nurse station ang waffle ko nang mawalan siya ng malay.

Sinabi naman na sa akin nung nurse na ayos lang ang lagay ni Loucy at wala akong dapat na ipag-alala. Binilin lang sa akin ng nurse at ni lola na tinawagan ko, na sa oras na magising siya ay huwag ko raw siyang biglain sa mga dapat niyang malaman. Habang hinihintay ko na magising siya ay inabala ko muna ang sarili ko sa paglalaro sa cellphone ko. Pagkalipas ng sampung minuto ay doon lang ako nakampante nang magising na siya.

Agad ko siyang pinagtuunan ng atensyon nang magmulat siya ng mga mata. Hinaplos-haplos ko rin ang ulo niya para maramdaman niya na nandito lang ako sa tabi niya. "You okay?" Tanong ko nang unti-unti niyang ilibot ang paningin niya sa paligid.

"Nasaan tayo?" Nanghihina niya pang sabi.

Hinalikan ko ang likod ng kamay niya saka ko siya sinagot. "Nandito tayo sa nurse station. Humingi ako ng assistance pagkatapos mo mawalan ng malay. May nararamdaman ka bang hindi maganda? May masakit ba sayo?"

Umiling siya at bigla na lang nagtubig ang kanyang mga mata kaya inalo ko siya para kumalma. "Sabihin mo sa akin kung may masakit sayo. Baka kung ano ang mangyari sa inyong dalawa ng anak natin." Masuyo kong sabi sa kanya.

"You lied to me. Akala ko ba sa birthday ng kateam mo sa basketball ang punta natin kaya tayo lumawas papunta rito sa Manila. Bakit hindi mo sinabi sa akin na kaya talaga tayo pumunta rito ay para dalawin si daddy."

Pinunasan ko ang mga luha na tumulo sa mga mata niya. "Mahal, pakinggan mo muna ang paliwanag ko please."

Tumango naman siya habang tahimik na umiiyak. "Si tita Yancie ang nagsabi sa akin na huwag munang sabihin sayo. Bakit? Kasi ayaw namin na mastress ka habang nasa byahe tayo. Saka tinawagan lang din ako ni tita nung sinabi na ng doktor na okay na ang daddy mo. Nung sinugod sa hospital si senator hindi rin niya ako sinabihan. Wala rin akong kaalam-alam. Naalala mo kanina, nung pagkagaling natin sa checkup mo, may tumawag sa akin?"

"Yeah."

"Si tita Yancie 'yon. Doon lang niya sinabi sa akin akin ang nangyari sa daddy mo at hinahanap ka raw. Kaya huwag ka ng magalit sa amin ni tita Yancie. Alam natin na kung sinabi ko sayo ang nangyari nung una pa lang, alam ko na kakainin ka ng nerbyos at baka mapano kayo ni baby habang nasa byahe. Tignan mo nga ang nangyari sayo. Hindi pa natin nasisilip ang daddy mo nahimatay ka na."

Pinalo niya ako sa braso ko. "Kayo ang may kasalanan kung bakit ako nahimatay." Sisi pa niya.

"I know. Pero wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon namin ni tita. Halika na. Puntahan na natin si daddy mo sa kwarto niya." Tumango ito saka nagpaalalay sa akin na tumayo na inalalayan ko naman.

Hanggang sa makaalis kami sa nurse station ay naka alalay lang ako sa kanya. Ramdam ko sa paglalakad niya na nanghihina pa siya kaya hindi ko siya pinabayaan. "Ready ka na?" Tanong ko sa kanya nang makarating na kami sa harapan ng pinto kung saan ang kwarto ng daddy niya.

Tumango siya habang hinahaplos ang tiyan. "Relax waffle. Baka mapano ka na naman." Napansin ko kasi na natetense na naman siya. Huminga muna siya ng malalim bago tumango at doon ko lang tuluyang binuksan ang pinto.

Sinalubong agad kami ng malamig na hangin mula sa aircon. Marahan kong hawak ang isa niyang kamay habang papalapit kami sa kama ng daddy niya na ngayon ay gising at kausap si tita Yancie. "Dad..." Mahinang tawag ni Loucy dito pero sapat na para marinig naming apat.

Huminto sa pag-uusap ang magkapatid at tumingin pareho sa amin. "Loucy?" Hindi makapaniwalang sabi ng daddy niya.

Tumango si Loucy saka naluluhang lumapit sa daddy niya. Agad ko naman siyang nilapitan nang subukan niyang yakapin si senator pero hindi niya magawa dahil sa laki ng tiyan niya.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon