CHAPTER 17: RUIN

313 8 6
                                    

Loucy's POV
"Why is my phone low battery? May charge pa 'to kagabi bago ako matulog." Bulong ko sa sarili ko nang makita ko na hindi na nabubuhay ang cellphone ko. Kaya naman pala walang alarm na gumising sa akin.

"Argh!" Inis na sabi ko saka ako bumangon at isinaksak ang cellphone ko para macharge bago ako pumasok sa banyo.

Buti na lang at 10 minutes late lang ang naging gising ko. Dahil kung nagkataon na mamaya pa ako gigising ay tiyak na malelate ako sa pupuntahan ko. I have a work to attend to. Kung hindi ako nagkakamali ay may taping ako ngayon sa Ayala para sa isang palabas ko.

Paglabas ko ng banyo ay nagtungo agad ako sa kusina para magluto ng agahan ko. I am proud to say that I'm now improving in the kitchen. Kung dati ay waffle lang ang alam kong lutuin at takot ako magprito, ngayon hindi na. Tuwing umaga nga halos puro prito ang ulam ko. Hotdogs, sausages, ham, bacon, egg at kung anu-ano pa na pwedeng iprito na breakfast. Ang pinagtutuunan ko naman ng pansin sa ngayon ay ang paggigisa.

"Oh Mica is here." I whispered when someone trigger my doorbell.

Umalis ako sa kusina at nagtungo sa pinto para pagbuksan si Mica. Pero hindi si Mica ang nasa harap ng pintuan ko, kung hindi si tita Yancie.

"Good mo-" I wasn't able to finish my greeting to her but before I could even do that, her palm already hit my face. Hard.

Napahawak ako agad sa pisngi ko ng maramdaman ko ang sakit at biglang pagmanhid nito sa lakas ng sampal ni tita. "YOU'RE FATHER DIDN'T RAISE YOU TO BE A WHORE LOUCY! YOU'RE A TRINIDAD! YOU'RE SUCH A DISGRACE IN OUR CLAN!" Galit na sabi ni tita Yancie habang dinuduro-duro niya ako.

Hindi ko man alam ang dahilan ng ikinagagalit niya at naiiyak na lang ako. "Tita...w-what did I do? Why are you suddenly here in my condo and fuming mad." I didn't know that tita Yancie can be this scary. Para pala siyang si daddy magalit. Nakakatakot. Never ko pa kasi siya nakita na magalit. Tama nga ang sabi ng iba na ang isang maamong leon kapag nagalit iba.

She suddenly pull my hair and drag me towards my sala. Walang awa niya akong ibinato sa sofa sa pamamagitan ng pagbitaw sa buhok ko at pagtulak sa ulo ko. She shut my door with so much force. Tumingin ako sa kanya ng umiiyak pa rin at may pagtataka.

"I REALLY CAN'T BELIEVE THAT YOU MAKE YOURSELF A SAUCER. HINAYAAN MO NA GAWIN KANG SAWSAWAN NG KUNG SINU-SINONG LALAKI LOUCY! MAS MASAHOL KA PA PALA SA INA MO! SO THAT'S WHAT YOU'RE DOING ALL THIS TIME?! TASTING AND COLLECTING DIFFERENT MEN!" She shouted while standing in front of me like a lion ready to pounce at me.

Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kaya tignan ang mga matatalim niyang tingin at isa pa ay nagtataka talaga ako ng husto sa mga pinagsasasabi ni tita. Napa-angat na lang ako ng tingin ulit sa kanya nang maramdaman ko na may ibinato siya sa ulo ko na malakas. Para akong nauntog sa sakit ng ibinato niya sa akin.

"I know that you act good because you're an actress Loucy. Pero huwag ka na magkaila pa dahil buko ka na. Ipit na kita at wala kang choice ngayon kung hindi ang umamin. Huwag mong hintayin na puntahan ka rin ni kuya rito dahil alam natin na mas malala ang matatanggap mo sa kanya kumpara sa natanggap mo sa akin."

Kinuha ako ang cellphone niya na ibinato niya sa akin saka mabilis ko ring inabot sa kanya kahit natatakot ako sa kanya. "No! Look and watch those videos!" Nanggagalaiti na naman niyang sabi habang nakaturo sa cellphone niya na hawak ko.

Alanganin naman akong tumango at pinanuod ko nga ang video na nasa cellphone niya. At first I'm not comfortable because seriously?! My aunt let me watch a porn video in front of her! Pero nagbago ang nararamdaman ko nang magsalita ulit ang tita ko. "Look at the girl. That's you right? Maybe you already forgotten that night. But I know you'll recognize it after a minute or so after watching it."

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon