Ford's POV
"La ano ulam?" Tanong ko sa lola ko na naabutan ko na nagluluto ng ulam dito sa kusina."Daing na bangus." Maikling sagot nito at nagpatuloy sa pagluluto. Dumiretso ako sa ref at saka kumuha ng juice na malamig.
"Mukhang kagigising mo lang Ford. May itutulog ka pa ba niyan? Abay para kang bampira. Sa araw tulog ka tapos sa gabi gising. Ipapaalala ko lang magaling na bata na alas-sais na ng gabi at kagagaling mo lang sa tulog. Masama ang inaabuso ang katawan. Huwag mong sabihin sa akin na maganda pangangatawan mo. Baka isang araw magcollapse ka na lang diyan." Sabi nito nang makita na gulo-gulo ang buhok ko at halatang bagong gising nga ako.
"La kalahating oras lang akong natulog. Hindi ko na nakayanan, ang bigat na ng talukap ng mata ko kanina e." Katwiran ko sa kanya.
Inirapan lang niya ako saka nagpatuloy sa pagluluto. "Ano ba 'tong pinapanuod mo sa internet?" Tanong ko sabay lapit sa laptop na nakabukas at maingay. Malapit ito sa kanya at gawain niya 'to kapag may gusto siyang panuorin habang nagluluto siya.
"Premiere night nung pelikula ni Loucy." Sagot nito at nag-umpisa ng maghain sa mesa.
Ako naman ay nanatiling nakatutok sa screen ng laptop at hinintay ko na mahagip ng camera si Loucy. Idol na idol lang naman kasi ng lola ko si Loucy kaya lahat ng ginagawa ni Loucy ay updated siya. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Loucy na naglalakad sa red carpet. Nakaputing fitted gown ito at mababa ang neckline kaya medyo kita ang bungad ng dibdib niya.
"Ang ganda ganda niya talaga. Ay teka nga pala! Bakit hindi ka nga pala kasama ni Loucy ngayon sa premiere night. Diba palagi ka niyang sinasama basta may event siya sa mga projects niya?" Usisa ni lola.
I sighed then I looked at my grandmother who takes good care of me when both of my parents died. "Hindi ko alam na ngayon ang premiere night nila." Sagot ko na lang at tinulungan ko siya na maghain sa mesa.
"Nako magsinungaling ka na sa kahit na kanino huwag lang sa taong nagpalaki sayo." Seryosong sabi ni lola sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko. "Pero 'yon ang totoo lola. Hindi naman nabanggit sa akin ni Loucy ang tungkol sa premiere night na 'yan." Or she really chose not to tell me.
"Sabihin mo nga sa akin Ford, magkaaway ba kayo ni Loucy?" Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ko ang nakakatakot niyang tingin pero ako rin ang sumuko.
"Wala naman akong natatandaan na nag-away kami la." Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Pero kahit hindi kami nag-aaway aaminin ko na nagkakaroon na ng malaking lamat ang relasyon namin.
"Ewan ko sayong bata ka." Inis na sabi niya at saka nagsimula ng kumain habang nakatutok sa laptop niya.
"Si Farrah, la nasaan?" Tanong ko sa kapatid ko na dapat sa mga oras na 'to ay nandito na sa hapag kasama namin na kumakain.
"Nandyan sa kaklase niya. Gumagawa sila ng project." Sagot niya.
"Tsk. Baka mamaya hindi na pala project ang inaatupag non. Baka mamaya boyfriend na pala non ang pinupuntahan non." Sabi ko pa.
"May tiwala ako kay Farrah. Hindi ko siya pinalaking ganon at alam ko na mataas ang pangarap niya kaya alam ko na hindi niya magagawa 'yon. Saka isa pa hindi naman ako nagkulang ng pangaral sa kanya. Sa inyo. Nasa sa kanya na 'yon kung gusto niya talaga na makapagtapos."
Hindi agad ako nakakibo sa sinabi ni lola. "Kasi naman lola 18 na si Farah. Lapitin na ng mga manliligaw 'yon at hindi ko na nababantayan lahat ng mga galaw niya."
Tumingin naman sa akin si lola. "Ford hindi na bata ang kapatid mo. Hayaan mo siyang tumayo sa sarili niyang paa. Ganyan ka rin naman nung nasa ganoong edad ka. Hinahayaan lang kita na gumala kasama ang mga barkada mo. Mas matindi ka nga kasi kahit alas-onse na ng gabi nandoon ka sa court at nagbabasektball pa rin."
![](https://img.wattpad.com/cover/254434209-288-k374145.jpg)
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...