CHAPTER 13: PRETEND

310 5 1
                                    

Loucy's POV
"Bakit ba wala pa si sir Ford ma'am?" Tanong sa akin ni Mica pag-alis ko sa harap ng vanity mirror dahil tapos naman na akong ayusan.

Kinuha ko sa kanya ang papel na naglalaman ng script ko bago ko siya sinagot. "I also don't know. Baka papunta na o kaya naipit sa traffic. Who knows?" Sabi ko sabay kibit balikat.

Sinundan ako ni Mica nang lumabas ako ng kwarto kung saan ako nilagyan ng makeup at inayusan saka kami nagpunta sa kabilang room kung saan ang set. Nakabukas na ang mga spotlight at inaayos na rin ng tatlong cameraman ang mga camera nila habang ang isang babae naman na nakatayo ay lumapit sa akin at may malaking ngiti sa mga labi.

"Hi ma'am Loucy." Bati nito sa akin paglapit kaya nginitian ko siya pabalik at binati.

"Hello." Dinala ako nito sa isang upuan at pinaupo ako habang hinihintay namin na matapos ang mga nagsesetup.

"Ma'am dahil wala pa naman po si sir Ford, pwede po bang mauna ka na pong kuhanan ng solo shots. Okay lang po ba? Para po sana hindi masayang yung oras." Masuyong sabi nito nang sabihin ng isa sa mga cameraman na paglipas ng limang minuto ay mag-uumpisa na kami at wala pa nga ang magaling kong boyfriend.

Tumango naman ako at naghintay ng limang minuto. Mabilis na lumipas ang limang minuto at nag-umpisa na nga rin kami. Suot ang sports bra, yoga pants at rubber shoes ay panay ang pose ko sa camera habang hawak ko ang isang energy drink.

Ilang shots na lang at matatapos na ako sa pagmomodel ko sa harap ng camera nang dumating si Ford. Pagpasok niya rito sa set ay nakasuot na siya ng jersey na kapartner ng suot ko at may hawak siyang bola ng basketball. Lahat kami na tao rito sa set ay napatingin sa pagpasok niya.

"Okay sir Esteban you can now join your girlfriend so we can now start another photoshoot." Sabi nung babae na bumungad din sa akin kanina.

May pag-aalinlangan namang tumango si Ford pero sumunod pa rin siya sa akin at saka ako binigyan ng halik sa nuo na hindi ko inasahan. Pakitang tao. "Kanina ka pa?" Halos pabulong na sabi niya habang umaayos ng pwesto sa tabi ko.

"Yeah. Tapos na ako sa solo pictures ko." Tipid kong sabi at nag-umpisa na nga kaming magpose ng kung anu-ano sa camera.

Lahat ng pose namin ay sobrang lapit namin dahil kailangan daw naming panatilihin ang body contact naming dalawa. Para raw mas may chemistry at bumenta lalo ang mga poster at patalastas namin sa madla.

"Solo picture niyo naman po sir Esteban. Tapos break po tayo sandali at pagbalik Po dito simulan na po natin yung commercial." Sabi ng isang cameraman.

Mabilis naman akong umalis sa frame ng camera at gumilid saka uminom ng tubig. Tahimik lang kami habang pinapanuod si Ford na panay ang pagpapapogi sa camera. Ang dalawang babae naman na kasama ko ay hindi maitago ang kilig sa nasisilayan nila. Nang mainip ako at pakiramdam ko ay nalulusaw na ang makeup ko dala ng init ng mga naglalakihang spotlight ay nagpaalam na ako sa babae na siyang nag-assist sa akin dito para magpapatong ng konting makeup sa kabilang room.

"Sige po ma'am. Break naman na po muna tayo pagkatapos. Tatawagin ko na lang po ulit kayo kapag magsisimula na ulit tayo." Sagot naman nito.

"Okay. Thank you." Nakasunod lang sa akin si Mica ulit pagbalik namin sa kabilang kwarto. Pero bago ako magpapatong ng makeup ulit ay nagmerienda muna kami ni Mica.

Nasa ganon kaming lagay nang pumasok si Ford at nang makita kami ay naupo siya sa tabi namin. Dahil may mesa kami ni Mica ay nakisalo siya sa mesa namin at kinain ang snacks niya. Hindi ko siya kinikibo at ganon din siya pero napapakiramdaman ko na parang gusto niya akong kausapin at may balak yata siyang sabihin. Kaso hindi siya makatyempo kasi nandito si Mica.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon