Loucy's POV
"Ang sakit ng balakang ko." Ungot ko kay Zildian nang pagbuksan niya ako ng pinto ng van."Gusto mo buhatin na lang kita papasok sa loob?" Alok niya kaya mabilis akong lumabas ng van.
"Huwag na. Kaya ko naman. Hindi naman ako baldado. Masakit lang ang balakang ko, hindi ko sinabi na hindi ako makalakad." Asik ko sa kanya saka ako nag-inat para hindi na mangawit ang likod at balakang ko.
Nginitian naman ako nito saka binuksan ang likod ng van kung nasaan ang ilang gamit na dinala namin mula Manila. "Hello to you two. Kamusta ang byahe?" Napalingon kami ni Zildian sa nagsalita at nakita namin ang mommy niya na palapit sa amin habang may malaking ngiti sa labi.
"Mom. Nandito ka pala." Zildian said and kissed her mom on her cheek after.
"Yep. Mga dalawang oras na rin akong nandito para antayin kayong dalawa. Bumili rin kasi ako ng ilang babasagin na pang display dito sa bahay niyo para hindi na kayo gaanong mahirapan sa mga kung anong dapat ilagay dito sa loob kapag nagsama na talaga kayo. Halina kayo sa loob at ng makapagpahinga na kayo." Nilapitan ako ni tita Claire saka niya ako hinila papasok sa magiging bahay namin ni Zildian kapag ikinasal kami.
"Ang dami naman nito tita." Sabi ko sa kanya nang makapasok kami sa loob at nakita ko ang sandamakmak na mga figurines, vases, paintings at may dalawang naglalakihang aquarium pa. Nakahilera ang mga ito na akala mo ay mga paninda.
Nakangiti naman itong tumingin sa akin. "Anak it's okay. It's my hobby to decorate houses and stuffs and I want to poke a bit in this house. I hope you don't mind."
"Tita wala naman po sa akin kung gusto niyong magdesign nitong bahay. Kaya lang parang napagastos pa po yata kayo ng marami sa dami ng binili niyo." I said while looking at the stuffs. Halos lahat ng 'yon ay babasagin.
She was about to say something when Zildian entered the house and he also react on the stuffs. "Hindi na ako nagulat mommy. Pero bakit sobrang dami naman yata ng mga 'yan." Sabay nguso nito sa mga babasagin na pang display.
"Kasi balak ko na pati ang mga kwarto ay lagyan ko rin ng mga 'to. Saka malaki naman ang naging discount ko kasi roon ako sa ninang mo bumili, Zild." Katwiran pa niya.
Hinayaan na lang namin siya sa gusto niya at nang makapagpahinga kami at makakain ng merienda ay tulong-tulong kami na nag-ayos ng mga gamit kasama na rin ang mga dala namin mula pa Manila.
"Ang sakit ng katawan ko." Tita Claire said after we finished arranging the stuffs. Hindi pa nga namin naayos lahat sa dami. Pinag-iisipan pa kasi namin kung saan ilalagay yung iba at saka sobra na kaming pagod.
Tinawanan naman ito ni Zildian saka naupo sa tabi ko. "Matanda ka na talaga mommy." He said that makes me chuckle. Si tita Claire naman ay sinamaan siya ng tingin bago humiga sa mahabang sofa para magpahinga.
"What do you want for dinner?" He said while we're resting.
"Anything will do. Magluluto ka?" Tumango siya. "Hindi ka pa pagod? Kaya mo pa magluto?" Paninigurado ko.
Lumabas na naman ang kayabangan niya at inilabas niya ang muscle niya sa kaliwang braso saka sumagot. "Pangmalakasan ata 'to." Ewan ko ba sa tao na 'to. Yung yabang niya hindi nakakaasar kung hindi nakakatawa.
Natatawang inirapan ko siya saka ko binalingan ang magiging biyenan ko. "How about you mommy. Ano gusto mong hapunan?"
Sumagot naman si tita habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Inutusan ko na yung driver ko na bumili ng pagkain natin, kaya huwag na kayo mag-abala magluto. Baka parating na rin 'yon." She said.
Sumagot naman ng okay si Zildian at nagpahinga na lang din kagaya ko habang pareho kaming naglilibang sa mga cellphone namin. Wala pang kalahating oras ay dumating na rin ang inutusan ni tita Claire na bumili ng pagkain namin saka kami nagsalo-salo sa hapunan.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...