CHAPTER 24: REST

323 4 0
                                    

Loucy's POV
"Good morning Loucy. Aga niyo po yatang nagising." Sabi sa akin ni inay.

Si inay Linda ang siyang caretaker nitong bahay namin sa Bataan. Sa labas lang siya ng subdivision nakatira at dati namin siyang kasambahay nung dito pa kami nakatira. Natatandaan ko pa siya dahil pitong taong gulang na rin naman ako nung umalis kami ni daddy dito sa Bataan. Saka kapag dumadalaw kami rito ay siya ang sumasalubong sa amin. Katulong niyang alagaan at bantayan ang bahay na 'to ang asawa niya at tatlong apo.

"I'm craving for waffle inay. Hindi ko sigurado kung may ingredients ba rito sa bahay para sa waffle kaya titignan ko sana para makapagpabili kay Ethan."

"Namili ako kahapon pero hindi ko sigurado kung may nabili akong ingredients para makagawa ng waffle. Hindi ko na kasi alam kung ano ang mga gusto at ayaw mong kainin. Pero dati pa lang mahilig ka na talaga sa waffle. Pareho kayo ng mommy mo." Sabi niya habang isinasalin ang laman ng takure sa mga mug.

"Inay huwag mo na sana mabanggit ulit ang babae na 'yon. Ayoko na siyang maalala pa." Sabi ko saka naghanap ng pupwedeng gamitin para sa waffle ko.

"Pasensya na hija. Akala ko kasi ayos na kayong mag-ina. Alam mo naman, hindi na ako nakakabalita sa inyo."

Tumango ako. "It's okay inay. Now you know. Saka kung paano niya kami iniwan dito, ganon pa rin naman."

Tumingin ito sa akin. "Talaga hija?"

Tumango ako habang naghahanap ng bowl na pwedeng gamitin para sa waffle mixture. "Opo. Simula non hindi ko na siya nakita pa. Ni hindi man lang niya ako tinawagan kahit minsan o dinalaw man lang sa mansyon. Pero isang beses nakasalubong ko siya sa mall. Halos kailan lang din. Kasama niya yung mga anak niya sa lalaking ipinalit niya kay daddy."

"Oh ano naman ang naging reaksyon mo o kaya niya nung nagkrus ang landas niyo?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Tumakbo siya palapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Pero tinulak ko rin siya agad palayo sa akin. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin matanggap yung pang-iiwan na ginawa niya sa amin kahit na dalawang dekada na ang lumipas."

"Ayos lang 'yon hija. Naintindihan ko dahil ang pagpapatawad, hindi naman basta-basta naibibigay. Siguro kahit naman ako, kung iniwan kami ng nanay ko para sa ibang lalaki magagalit din ako. Gaya nga ng sabi ng marami, ang pinakanaaapektuhan sa hiwalayan ng mag-asawa ay ang mga anak. Pero malay mo may rason ang mommy mo kung bakit niya kayo iniwan."

Hindi na ako umimik pa at tahimik na lang akong nagluto ng paborito kong pagkain. Si inay naman ay lumabas dala ang tray ng mga kape para ibigay kila Ethan. Ewan ko ba kung bakit inutusan pa sila ni daddy na bantayan ako rito kahit na mukha namang ligtas ako rito. Ang gulo rin minsan ni daddy eh. Pero okay na rin na may ilang bodyguards ako rito para naman may kasama ako bukod kay inay at sa mga apo niya.

Pagbalik ni inay ay nagluto na siya ng agahan namin habang ako naman ay kinakain ko na ang waffle ko. "Inay, waffle gusto mo?" Alok ko sa kanya ng waffle ko habang umiinom ako ng mainit gatas.

"Hindi na hija. Katatapos ko lang din halos magkape saka tinapay. Kakain na lang ulit ako kapag nakakain na kayo nila Ethan nitong agahan na niluluto ko." She said while frying the sausages.

"Ang bango ng longganisa. Bakit kasi hindi ako ganon karunong magluto." Sabi ko habang panay ang kain ko ng waffle.

Tinawanan niya ako. "Ano ka ba. Madali lang matuto magluto. Yung anak ko nga na nagtatrabaho ngayon sa Cavite, hindi ko napag-aral 'yon ng culinary kasi mahal at hindi namin kaya mag-asawa. Pero nagpursige talaga siya at pumasok sa mga restaurant bilang waitress at dishwasher lang. Ngayon isa na siya sa mga chef doon sa pinagtatrabahuhan niya sa Cavite. Kapag gusto talaga may paraan hija."

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon