CHAPTER 37: TREASURES

321 6 0
                                    

Loucy's POV
"Hmmm bango ng iniihaw ng waffle ko ah." Sabi ko pagkarating ko sa gawing pond at naamoy ko ang iniihaw ni Ford.

Tumingin siya sa akin at kinindatan ako pagkatapos ay pinalapit niya sa kanya. "Chicken inasal for lunch and for my love." He said while he's adjusting the speed of the mini electric fan that he's using for grilling.

"Nakakagutom yung amoy." Sabi ko saka ko siya niyakap at inamoy ko ang dibdib niya na natatakpan ng medyo basang sando.

Tinawanan niya ako na ipinagtaka ko. "Oh eh ano ang tinatawa-tawa mo riyan?" Sabi ko pagkatapos ko siyang yakapin.

"Ano ba yung amoy na nakakagutom, yung amoy ko o yung amoy ng niluluto ko?" Pilyo niyang sabi habang may malawak na ngiti sa mga labi.

Kinurot ko siya ng pabiro sa tiyan niya saka ko binaliktad ang mga iniihaw niya. "Kapal ng mukha mo! Bakit ako magugutom sayo aber?!" Pagmamaldita ko kunwari sa kanya.

"Hmmm. You're not horny today huh?!" He said while looking at me intently.

Umiling ako. "Nope. Masyado mo akong pinagod kagabi. Sa susunod na araw naman."

"Himala yata at hindi ka pa dinadatnan. Natatandaan mo pa noon...sa tuwing may nangyayari sa atin binibilang mo kung ilang araw pa ang natitira bago ang susunod mong dalaw. Kasi sabi mo nakakatulong 'yon para mamonitor kung mataas o mababa ba yung chance na mabuntis ka."

Napatingin ako sa malayo at inisip ko kung kailan ako huling dinatnan ng dalaw. "Huling nagkaroon ako ay nung dinalaw ako ni Zildian sa Manila at isinama rito. Delay na ako ngayon ng mahigit dalawang linggo."

May kislap ng pag-asa at pag-aalala sa mukha ni Ford nang tignan ko siya. "Magpatingin kaya tayo sa doktor, waffle?" Suhestiyon niya.

"Hindi na. Saka na kapag nadelay ako ng isa pang buwan. Sa ngayon hintayin muna natin at baka nadelay lang talaga ang dalaw ko."

"Okay. Ikaw ang bahala." Hinalikan ako nito sa pisngi bago kinuha ang mga lutong inasal at inilagay sa lalagyanan. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa balakang gamit ang isa niyang kamay.

"Halika na sa loob. Ayokong nagugutom ang reyna ko." Nginitian ko lang siya at sabay na nga kaming nagpunta sa loob ng bahay.

Masayang kaming kumain habang nagkukwentuhan na dalawa. "Pero waffle, napapansin mo rin yung mga pagbabago sa ugali mo?" Tanong niya nang sabihin ko sa kanya na hindi ko rin alam ang rason kung bakit may times na nagagalit ako sa kanya kahit hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Oo. Naguguluhan din ako sa sarili ko kaya minsan naiiyak na lang ako sa frustration. Lagi ko tinatanong yung sarili ko kung bakit ako nagagalit sayo pero wala rin akong makuha na sagot." Kahit anong kalkal ko sa utak ko kung bakit nagkakaganito ang mood ko ay hindi ko talaga alam. Wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay hindi niya ako hinayaan na magligpit man lang ng pinagkainan namin. Hayaan ko na lang daw siya at hindi naman ganon karami ang liligpitin. Habang hinihintay ko siya na matapos sa urungin ay hindi ko napigilan na hindi humikab.

Lumingon tuloy siya sa akin. "Inaantok ka pa? Kagigising mo lang diba nung pinuntahan mo ako habang nag-iihaw?"

Humikab ulit ako at medyo inaantok na sumagot. "Yeah. Ganon talaga minsan kapag maraming nakain. Nakakaantok. Punta na ako sa sala waffle." Paalam ko sa kanya at tumayo na ako sa upuan para pumunta sa sala.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon