Loucy's POV
Kinapa ko agad ang cellphone ko sa higaan ko para patayin ang alarm. Nang hindi ko ito makapa sa ulunan ko at nakapikit akong gumapang papunta sa paanan ng kama at doon ko nakita ang nag-iingay kong cellphone. Iminulat ko ng konti ang mga mata ko saka ko tinignan kung bakit nag-alarm ang cellphone ko.Ford's Game
'Yon ang nakalagay sa alarm kaya naman naalala ko na may laro nga pala ngayon si Ford. Tinanaw ko kung anong oras na ba. 5:00 pm na pala kaya nag-uumpisa ng lumubog ang araw. Dahan-dahan akong tumayo sa kama saka naghanap ng maisusuot.
Mamayang 7 pa naman ang game nila Ford kaya marami pa akong oras. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako ng matagal pagkagaling sa shooting. Nang makapili na ako ng damit ko ay umupo ulit ako sa kama saka kinuha ang cellphone ko.
Tinawagan ko si Ford para ipaalam na manunuod ako mamaya ng laban nila kaya lang ay hindi naman siya sumasagot. Baka naghahanda na para sa game nila mamaya. Sinubukan ko pa ulit siyang tawagan ng ilang beses pero hindi niya talaga sinasagot. Nagriring lang ito hanggang sa operator na ang sumagot. Dahil hindi ko naman siya matawagan ay nag-iwan na lang ako ng text para sa kanya.
To: Esteban Number 1
Goodluck to your game later waffle. Manunuod ako kaya magkikita tayo mamaya.Binitawan ko na rin ang cellphone ko pagkatapos ko siyang itext saka ako nag-ayos na ng sarili. Paglabas ko ng kwarto ko ay ininit ko naman ang pagkain na binili ko kanina pagkatapos ng shooting namin. Sigurado kasi na magugutom ako mamaya sa kalagitnaan ng laro ni Ford kaya naman kakain na ako.
Matapos kumain ay bumalik ako sa kwarto ko para kunin na ang mga gamit ko para makaalis na. Saktong pagpulot ko ng cellphone ko sa kama ay umilaw ito at doon ko nakita na may text pala sa akin si Ford. Binuksan ko ito agad at ito ang tumambad sa akin na text niya.
From: Esteban Number 1
Bahala ka sa buhay mo.Gusto kong maiyak nang mabasa ko ang text niya. Bakit ganon siya?! Pinipilit ko naman na magworkout 'tong relasyon namin pero parang lalo lang nasisira. I'm sure that Ford is not aware how painful his words are. Hindi niya alam yung damage na iniiwan non sa akin. I can compare his words to a knife. Very sharp and painful.
Pinunasan ko ang isang butil ng luha na tumulo mula sa mata ko. Kailan ba natin 'to maaayos Ford? Hindi ko na nga iniisip yung nangyari nung nakaraang araw na kung saan sinubukan niya ulit na makipaghiwalay sa akin.
Yes. That's not the first time he open up that topic. Pangatlong beses na nga niyang pakiusap sa akin 'yon na maghiwalay na kami. Yung una, tinakot ko siya na magpapakamatay ako kung gagawin niya 'yon, pangalawa ay nagmakaawa ako sa kanya na huwag niyang gawin sa akin 'yon at gagawin ko ang lahat ng gusto niya. 'Yon din yung panahon na nahuhuli ko na siya na may kasamang ibang babae. Pangatlo ay nito ngang nakaraang araw. Kahit wala ng matira pa sa akin ayos lang. Basta ay huwag lang siyang mawala sa akin. Kahit anong mangyari hinding-hindi ko siya bibitawan.
Matamlay akong umalis sa kwarto ko at bumaba ng building. Nang makasakay ako sa sasakyan ko ay nagtungo ako sa pinakamalapit na convenient store at bumili ako ng ilang pagkain at gatorade para kay Ford. Saka pa lang ako nagpunta sa arena kung saan madalas maglaro sila Ford pagkabili ko ng pagkain. Pagpasok ko ng arena ay naghanap agad ako ng mauupuan na malapit sa court at tahimik na nag-obserba sa paligid.
Ilang sandali pa ay unti-unti ng dumadami ang tao rito sa loob ng arena. May narinig pa akong mahinang bulungan malapit sa akin at naririnig ko ang pangalan ko. "Huwag na tayo mahiya. Nandito na oh. Sayang naman ang opportunity bakla!" Gusto ko man lingunin sila ay pinili ko na lang na huwag na. Alam ko naman na kung sino sila. Mga showbiz insiders na walang ibang alam gawin kung hindi ang manghimasok sa buhay ng mga artista.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...