CHAPTER 32: PRISON

338 2 0
                                    

Ford's POV
I groaned when one of the men attacked me and punched me really hard in my jaw part. Pakiramdam ko ay mawawalan na naman ako ng malay dahil sa dami ng suntok na tinamo ko. I can feel that I'm lying on the floor but I don't know where I am right now. Basta isinakay nila ako sa van at nawalan ako ng malay dahil sa ginawa nila sa akin. Nagising na lang ako sa pambubugbog nila ulit. All I'm seeing right now is red!

"Loucy..." I whispered while I'm having a hard time to breathe.

"Tigilan niyo na 'yan. Si senator na ang bahala riyan." I heard someone said. Pagkatapos non ay wala ng gumalaw pa sa akin at narinig ko na ang mga papalayong yabag at ang pagsara ng pinto ng malakas.

Mukhang wala na sila sa paligid ko kaya nagkaroon ako ng oras para magpahinga. Nahihirapan akong huminga at masakit ang buong katawan ko. Hindi na kasi ako lumaban sa mga tauhan ng daddy ni Loucy kanina.

Nagmulat ako ng mga mata nang maalala ko si Loucy. Natuloy kaya ang kasal nila pagkatapos kong maggulo roon. Sana hindi. Kahit na gulpihin pa ako ng paulit-ulit ng mga tauhan ng daddy niya ay gagawa pa rin ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila.

"Waffle." Naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na luha mula sa mga mata ko.

She's stunning earlier. Very beautiful with her wedding dress but it breaks my heart whenever I imagine that she's marrying another guy. I can't stand that! Mas magsisisi pa ako kung wala akong ginawa para hindi matuloy ang kasal at tuluyan siyang naikasal sa anak ng mayor na 'yon.

Ayoko ng masundan pa ng maraming pagkakamali at pagsisisi ang buhay ko. Tama na yung mga kasalanan na nagawa ko sa kanya at oras na para bawiin ko siya at patunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sadyang gago lang talaga ako kaya umabot pa kami sa punto na 'to. Kung hindi ko kasi ginawa ang pagpapakalat ng videos na 'yon ay baka naayos pa namin ang relasyon namin. Baka nga sa mga pagkakataon na 'to ay nagpaplano na rin kaming magpakasal.

Nang sa palagay ko ay nadagdagan na ang lakas ko ay dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Pinalibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Kulay puti at caramel brown ang pintura ng kwarto. Walang kama pero may kutson. May maliit din na cabinet kung saan nakapatong ang isang maliit na lampshade. Wala ng kahit anong bagay dito sa kwarto na pinagdalhan nila sa akin bukod sa napansin ko.

Maingat akong tumayo nang mapansin ko ang isang pinto na sa tingin ko ay banyo. Naglakad ako papunta roon at nakumpirma ko nga na banyo 'yon. Nang may makita akong salamin sa loob ay pumasok ako at humarap dito para tignan ang itsura ko. Namumula ang isa kong mata at nagsisimula na rin akong magkaeyebag ng malaki. May pasa rin ako sa pisngi at panga. Ang magkabilang gilid ng labi ko ay namamaga at may namumuong dugo.

Binuksan ko ang gripo at may tubig naman ito kaya naghilamos ako. Wala akong makita na pwedeng pamunas na twalya o tissue kaya hinayaan ko na lang na matuyo ng kusa ang tubig sa mukha ko. Paglabas ko ng banyo ay maingat akong sumampa sa mattress para sumilip sa bintana na saradong sarado.

Lumangitngit ito sa ginawa ko at napakahirap nitong itulak para bumukas. Sa huli ay iisang dangkal lang ng inawang ng bintana dahil mukhang lumang-luma na 'to Tumanaw ako sa labas at nasa ikalawang palapag pala ako ng bahay. Ang nakikita ko mula rito ay ang berdeng damo, mga bulaklak, mataas na pader at natanaw ko rin ang tatlong lalaki na mga naka itim at may mga baril silang nakasabit sa katawan na nasa malapit.

Nang lumingon ang isa sa kanila sa gawi ko ay agad akong umalis sa pagkakasilip. Sunod kong tunungo ang pinto at sinubukan ko itong pihitin para bumukas pero hindi ito gumagana. Sigurado ako na rito lumabas kanina ang mga tauhan ng daddy ni Loucy. Maraming beses ko pa itong sinubukan na buksan pero wala talaga kaya napabulong na lang ako sa sarili ko habang pabalik sa mattress. Mukhang may balak si senator na ikulong ako rito.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon