CHAPTER 7: KNIFE

287 3 0
                                    

Loucy's POV
"See you in our premiere night Loucy!" Maligayang sabi sa akin ni direk saka ako niyakap at bineso.

"See you there direk. I'm so happy that finally I was able to work with you. Sana makatrabaho ulit kita sa iba ko pang mga projects." Nakangiti naman itong sumagot sa akin.

"Siguradong magiging magkatrabaho tayo ulit. Ingat ka at alagaan ang katawan para makapagtrabaho lagi ng maayos ha?" Payo pa niya kaya medyo nahiya tuloy ako.

Halos isang buwan na rin kasi ang lumipas simula nung nahimatay ako sa set. Buti nga at tapos na rin sa wakas ang ginagawa naming pelikula at heto kami ngayon lahat. Mga staff, casts, crew members, sila direk, mga makeup artist at kung sinu-sino pa. Lahat ng tumulong para mabuo namin ang pelikula namin ay nandito at kasama namin sa bonggang kainan.

Pagkatapos naming magpaalam ni direk sa isa't isa ay si Ludwig naman ang lumapit sa akin. "So nice to work with you. More projects to come." Sabi nito habang taglay ang makalaglag panty na ngiti.

Nginitian ko rin siya ng matamis pabalik. "Yeah. More projects to come. Sana makatrabaho ko ulit kayo. Mamimiss ko yung mga kulitan natin dito sa set." Natawa ito sa sinabi ko saka ako inaya na magselfie.

Nang makita kami ng iba na kumukuha ng selfie ay nakisali na rin sila hanggang sa lahat ng kasali sa pagbuo ng movie na 'to ay nadamay na. Kaya naman isang malawakang groupie ang nangyari.

"Bye guys!" Huling sabi ko nang magkanya-kanya na kaming alis at sakay sa mga sasakyan namin.

Nagbigay na rin ang iba ng huling paalam nila bago rin nagsialis. "Hay nako sa wakas natapos din." Sabi ko nang maisara ko na ang pinto ng van pagkapasok ko.

"Ano sunod mong project ma'am?" Tanong ni Mica na nasa unahan ng van at nakalingon sa akin.

"Hindi ko lang alam. Si Franz ang nakakaalam e. At saka isa pa ang alam ko wala pa, kasi tinanggihan ni Franz yung ibang projects na inalok sa akin para makapagbigay naman ako ng oras sa sarili ko at makapagpahinga. Ayoko ng mahimatay ulit sa gitna ng set." Nagthumbs up naman sa akin si Mica bago umayos ng upo.

Dahil malayo ang condo ko sa huling pinagdausan ng set namin ay naglibang na lang muna ako sa cellphone ko hanggang sa nakita ko ang isa sa mga kateam ni Ford na nagpost ng isang maikling video sa isang social media site. Pinanuod ko ito at nakita ko silang buong team na puspusan ang pagpapractice sa isang gym kasama syempre si Ford. May caption din ito kaya binasa ko.

Getting ready for later.

Pagkatapos kong mabasa ang caption ay napagtanto ko na may laro pala sila ngayon. O mamaya. Hindi kasi nakalagay sa post ang eksaktong oras ng laro nila mamaya pero itong post na ito ay kalahating oras na simula ng ipost nung kateam ni Ford.

Tumingin ako sa oras sa cellphone ko. Madalas ay 6 ng dapit-hapon nag-uumpisa ang game sa arena hanggang 10 ng gabi. Alas-kwatro pa lang naman ng hapon at may isang oras pa bago kami makabalik sa Manila. Aabot pa naman siguro ako. Gusto ko manuod ng laro niya. Ang tagal na naming hindi nagkikita.

Pinagpatuloy ko ang paggamit ng cellphone ko hanggang sa nakaidlip ako sandali sa byahe namin. Nang magising ako ay kararating lang namin sa Manila kaya nagpababa muna ako sandali sa isang kilalang restaurant na sikat sa paggawa ng mga burger.

"Halika Mica samahan mo ako." Aya ko kay Mica nang makapagpark kami ng sasakyan.

Agad naman itong sumunod sa akin at saka sabay kaming nagtungo papunta sa entrance ng restaurant. "Pumili ka ng gusto mo." Sabi ko nang makarating kami sa counter.

Pumuli naman ito habang ako ay pumili ng gusto ko at ang ibibigay ko para sa driver namin. Si Ford kasi talaga ang ibibili ko ng burger pero alam ko naman na ang gusto non dito kaya naman hindi ko na kailangan pang pag-isipan yung para sa kanya.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon