CHAPTER 9: EMBARRASS

320 6 2
                                    

Loucy's POV
I was about to book my flight to Boracay from my laptop when my phone on my lap vibrated. Tinignan ko agad ang nangyayari rito at nakita ko na may tumatawag. It is an unknown number. Tinignan ko sandali ang inaasikaso ko sa laptop bago ko sinagot ang caller.

"Hello. Sino po sila?" Sagot ko sa tawag.

Hindi ito agad sumagot sa akin kaya inulit ko ang sinabi ko pero ganon pa rin. Wala pa ring sagot ang nasa kabilang linya. "Hello. Wrong call po ba kayo? Ibababa ko na po ito." Pananakot ko rito para sumagot pero gagawin ko rin naman talaga 'yon kung saka-sakali.

"Loucy..." Natigilan ako sandali nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.

"Wait...is this Ford?" Nananantya kong sabi sa kausap.

"Yeah." He answered shortly.

"Is this your number? Bago ba 'to?" I'm referring to the number that he's using right now. Hindi kasi ito ang number na nakaphonebook sa cellphone ko at ngayon ko lang nakita ang bagong number na 'to.

"Yeah. Kabibili ko lang nung isang araw." Maikling sagot na naman niya.

"Ahh. Bakit napatawag ka? May problema ba?" Pagtatanong ko rito. Hindi na kasi ako sanay ng araw-araw siyang tumatawag dahil hindi naman niya na 'yon ginagawa.

"Ahm may laro kami mamaya. Can you please watch. I wanna talk to you after our game." Ano naman ang pag-uusapan natin?

"S-Sige. See you later. Goodluck sa game mamaya." Walang buhay kong sabi.

"Okay. Take care Loucy." Loucy? Nasaan na yung endearment mo sa akin na waffle?

Hindi na lang ako nagsalita pa at hinayaan ko na lang na siya na ang magpatay ng tawag. Pagkatapos ng tawag niya sa akin ay bumalik ulit ako sa dati kong ginagawa.

Dahil nga hindi muna ako pinayagan ni Franz na magtrabaho muna ng magtrabaho ay magbabakasyon muna ako. Sa Boracay ko napili para makapag-isip isip at malayo sa kabihasnan. Gusto ko nga ring isama si Ford pero alam kong hindi niya ako masasamahan dahil sunod-sunod na ang laro nila. Bukod doon ay baka masira lang ang bakasyon ko kung nandoon siya at ipapamukha niya sa akin na ayaw na niya sa piling ko.

Pagkatapos kong pindutin ang confirm sa isang site ng airlines ay sunod naman akong napareserve ng isang room sa isang hotel para sa tutuluyan ko roon habang nagbabakasyon. Nang matapos ako ay nanghihina kong isinara ang laptop ko at nahiga ako sa sofa na kinauupuan ko. Sumakit ang likod at batok ko sa kahahanap ng plane ticket at hotel room sa Boracay. Wala na kasing slot sa mga gusto ko sanang plane ticket at hotel room kaya naghanap pa ako ng iba na magugustuhan ko.

Nang maisip ko na wala naman akong gagawin ay pumunta na lang ako sa kwarto ko at nag-umpisa na akong mag-impake ng ilan sa mga damit na dadalhin ko sa Boracay. Nasa ganon akong lagay nang may tumawag na naman sa akin. Akala ko nga ay si Ford na naman pero nang makita ko na si tita Yancie ito ay nakahinga ako ng maluwag.

Nilagay ko ang huling damit na napili ko sa maleta saka ko sinagot ang tawag ng maganda kong tita. "Hello to my beautiful as ever aunt." Nakangiting bati ko habang sinasara ko ang zipper ng maleta ko.

"Hello also to my beautiful niece. Kagagaling ko lang sa sinehan at pinanuod ko ang movie niyo. Umuwi ka nga rito at pasampal sandali si tita. Ang galing-galing mo talaga umarteng kontrabida. Manang-mana sa tita."

Hindi ko naman napigilan na hindi matawa sa sinabi niya. "Lalo akong hindi uuwi. Sasampalin mo pala ako e." Biro ko rin dito at narinig ko rin ang malutong na tawa nito mula sa kabilang linya.

"Sige subukan mo! Tignan natin kung sino ang matatalo sa huli!" Hindi ko agad nagets ang sinabi niya pero parang pamilyar ito sa akin.

"Ano ba ang pinagsasasabi mo tita?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon