-4 MONTHS PASSED-
Loucy's POV
"You sure that you can manage?" Zildian asked."Yeah. Saka nakaschedule na yung mga gala namin ng mga kaibigan ko." Pagpupumilit ko pa.
"Okay. Just call me when you get there. Gusto kitang samahan pero sa isang araw pa ako makakauwi. May dalawang schedule pa ako rito sa Hongkong."
"Ano ka ba?! Huwag mo akong alalahanin. Isa pa para namang bago sa akin ang Manila." Napairap ako sa ere. Zildian is overacting.
Pupunta ako ngayon sa Manila para kunin ang ibang gamit ko at dadalhin ko na sa bahay namin ni Zildian. Don't get me wrong. We're still not married, kaya lang pinapalagay na ni Zildian ang mga gamit ko sa bahay na iniregalo sa amin ng daddy niya para raw sa mga susunod na araw ay ang kasal na lang naming dalawa ang aasikasuhin namin.
Napag-isipan ko ring mabuti na kailangan ko ng magpakita sa mga kaibigan ko lalo na at gusto ko rin silang maging parte ng kasal ko. Si Franz, si Mica at ang ilang mga malalapit na artista sa akin. Si Zildian kasi halos puro mga pulitiko ang balak imbitahin sa kasal.
"Okay. Sige na baka nakukulitan ka na sa akin. Basta kapag may problema huwag mahiya magsabi." He said that made me smile.
"Yes sir. Take care."
"Alright."
Matapos ang tawagan namin ay tinapos ko na rin ang pag-aayos ng sarili ko. Si Ethan ang maghahatid sa akin sa Manila. Good thing I am now allowed to go outside freely. Tapos na kasi ang madugong kampanyahan at nanalo naman ulit si daddy.
Four months had passed. Pero nananatili pa rin dito sa puso ko si Ford. Si Zildian fiancé ko siya, pero kahit na ganon alam ko na nararamdaman niya na iba pa rin ang laman nitong puso ko. Sa lumipas na mga buwan hinayaan ko na lang na matuloy ang kasal namin ni Zildian. Tama ang sabi sa akin ni inay nuong humingi ako sa kanya ng advice tungkol sa gustong mangyari ni daddy.
Sinukuan ko na kasi si Ford kahit na nga ba siya pa rin ang mahal ko. Sabi ni inay kung ganon lang naman din daw at hindi na ako lalaban pa para sa naiwan naming relasyon ni Ford, bakit daw hindi ko bigyan ng pag-asa si Zildian na patunayan ang sarili niya sa akin.
I'm really happy that Zildian is a husband material. Nung una hindi ako naniniwala na marunong siya sa mga gawaing bahay dahil alam ko na ang mga kagaya niya ay hindi ganon. Pero nagkamali ako. Mas marami pa siyang alam sa mga house chores kaysa sa akin. Ang dahilan daw non ay dahil sa ilang taon siyang tumira sa America para roon mag-aral ng college. Wala akong katalo-talo kapag ikinasal kami. 'Yon nga lang, mahilig pa rin siyang bwisitin ako hanggang ngayon. Lumala pa nga ang mga pang-aasar niya sa akin.
"Ethan handa na ba ang sasakyan?!" Tanong nang mahanap ko si Ethan sa kusina na kumakain ng merienda.
Lumingon ito sa akin at binigyan ako ng isang good sign. "Okay. Finish your snack first. Alis na tayo pagkatapos mo." Tumango ito habang may subong tinapay.
Iniwan ko na lang muna ito at nagpunta saglit sa mini garden kung saan pinaayos ko ang pond ilang buwan na ang nakakaraan. Thanks to Zildian. Siya ang nagsuggest sa akin na ipaayos ko ulit itong mini garden ko. Mas malaki na ngayon ang pond at may mga maliliit na makukulay na isda na rin dito. Sabi ni Zildian kapag daw nababagot ako kahit papaano ay pwede akong aliwin ng mga isda.
Humiling nga rin ako ng aso sa kanya at ang sabi niya bibilhan niya lang daw ako kapag hindi kami nagkaanak agad. May sira na talaga siya sa utak. Pero alam ko biro lang niya 'yon. "Ma'am tara na?" Tawag sa akin ni Ethan pagkita niya sa akin.
Walang imik naman akong sumunod sa kanya at sa wakas, pagkatapos ng halos kalahating taon na pagtatago makakalabas na rin ako sa Bataan. Akala ko matatagalan pa bago ako makabalik ng Manila. "Ano na kaya ang itsura ni Fudgee? Pati si tita?" Pagkausap ko kay Ethan na abala sa pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...