CHAPTER 31: WEDDING

319 2 0
                                    

Loucy's POV
"Ma'am relax! Bakit kayo kinakabahan, kasal niyo 'yon dapat hindi kayo kinakabahan. Dapat nga excited kayo eh." Sabi ni Ethan habang sinisilip ako sa rear view mirror ng bridal car kung nasaan kaming dalawa.

"H-Hindi ko lang mapigilan na hindi kabahan." 'Yon na lang ang sinabi ko dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko.

I'm nervous because this is my wedding day. I'm excited that before this day end, my surname will be Sarmiento. Pero hindi naman kasi 'yon ang dahilan kung bakit ako kinakabahan. I'm nervous because of Ford. Hindi na siya nagpakita o nagparamdam man lang pagkatapos nung naging pag-uusap namin sa simbahan. Hindi ko alam kung tumigil at napagod na siya dahil alam ko na hindi siya ganong klase ng tao. Siya yung tipo ng tao na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto.

Mariin kong hawak ang cellphone ko habang malayo ang tingin. Ang daming tao na imbitado ngayon sa kasal namin at kalahati sa kanila ay mga politiko. Sigurado ako na maraming bodyguards sa paligid ng simbahan at reception. Nauna na si daddy sa simbahan pagkatapos naming magpapicture na dalawa nang maayusan ako, habang si tita Yancie and tita Candice naman ay nasa unahan lang ng sinasakyan ko na bridal car.

Yes! Tita Candice is here in the Philippines together with her family, just to attend my most awaited wedding. Silang dalawa ni tita Yancie ang nag-asikaso sa akin kasama ang makeup artist. Biniro pa nga nila ako na bakit daw hindi ko kasi inimbita ang nanay ko. Hindi naman na niya kailangan pang maging parte ng isa sa mga importanteng ganap sa buhay ko. Recognition, graduation, debut, family day, birthday at kung anu-ano pang okasyon na importante sa akin noon ay wala naman siya. Nakaya ko ang mga 'yon at naging masaya ako sa mga 'yon kahit wala siya. Hindi naman ako sasaya kung ang presensya niya ay nasa kasal ko dahil hindi naman ako masaya kapag nasa malapit siya.

Hindi ako mapakali habang maya't maya ko tinitignan ang cellphone ko. I'm waiting for a text or call. Hindi mula sa mga tita ko o kay daddy man maging kay Zildian. I'm waiting for Ford's. Hindi ko rin alam bakit ginagawa ko 'to. Siguro kasi dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari. Hindi kasi basta-basta ang mga banta ni Ford noon at alam ko na hindi niya ako pag-aaksayahan ng oras ng wala lang. Tapos sinundan niya pa ako rito.

Isama ko pa yung napanaginipan ko kaninang madaling araw. Sa panaginip ko, kinidnap niya ako at sa huli ay sinubukan kong tumakas. Bago pa ako tuluyang tumakas ay naabutan niya ako at pinagtangkaan niyang patayin ang sarili niya. Mabuti at nagising agad ako sa pagkakatulog ko at hindi na natapos ang masamang panaginip ko na 'yon.

"Ma'am nandito na po tayo." Pukaw sa atensyon ko ni Ethan.

Napatingin naman agad ako sa paligid at nakita ko nga ang mga abay namin sa kasal na nagsisimula nang umayos sa pagkakahilera. Hinintay ko muna na pagbuksan ako ni Ethan ng pinto saka niya ako inalalayan pababa ng kotse. Sila tita Yancie, tita Candice at ang flower girl ko ay nagtulong-tulong sa laylayan ng gown ko hanggang sa makarating ako sa pinakadulo ng pila.

"You ready?" Tita Yancie asked while she's arranging my veil.

Tumango ako habang hawak ko ng marahan ang bouquet ng pulang rosas. "Katatapos lang namin makipag-usap sa daddy mo. I can't believe that Luther is crying like a baby!" Natatawang sabi ni tita Candice.

Napatingin naman ako kay tita Yancie para itanong kung totoo nga ang sinasabi ni tita Candice. Tumango siya habang may masuyong ngiti. "He said that you're not baby anymore. Madalang ka na raw niya makakasama dahil dito ka na mananatili sa Bataan."

Hindi ako nakaimik sa sinabi nila. "Pinagtawanan ko siya kasi siya rin naman ang may gawa ng kamiserablehan niya. Hindi ba siya ang nag-alok sayo na pakasalan si Zildian?" Tita Candice said.

Tahimik naman ako na tumango. "But Zildian is a nice man. Ilang beses na niyang pinatunayan sa akin 'yon tita." Depensa ko para kay Zildian.

"You can only say that once you share the same roof. Look at your tita Yancie. We all thought that her ex-husband was also nice and perfect for her. But what happened after their marriage?! He hurt my sister. Kaya ikaw huwag kang mahihiyang magsabi sa amin kapag nagkaproblema kayo sa buhay mag-asawa niyo."

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon