CHAPTER 34: PRISONER

304 3 0
                                    

Loucy's POV
"Ford?!" 'Yon ang lumabas sa bibig ko nang maging pamilyar sa akin ang boses na naghuhumiyaw sa loob at pangalan ko ang isinisigaw.

Mabilis akong lumapit sa pinto pero pinigilan ako ng bwiset na si Ethan. Sinubukan ko siyang itulak pero malakas siya sa akin. Lalong lumakas ang kabog sa pinto at tinatawag ng kung sino mang tao ang nasa loob non ang pangalan ko ng paulit-ulit.

"FORD!" Tawag ko sa kanya. Nanggilid ang luha sa mga mata ko nang makita ko na ilang lock ang nakakabit sa pinto para hindi makalabas ang nasa loob. Isang bagay ang sumagi sa isip ko. Nakakulong siya rito.

Habang naglalaban kami ni Ethan sa tapat ng pinto ay tumatawag din si Ethan ng malakas at humihingi ng tulong sa ibang guards na nasa baba. Dahil hindi ko naman matalo si Ethan ay hindi ako makarating sa harap ng pinto at naabutan na nga kami ng ibang mga bodyguards. Nagtatakbuhan sila palapit sa amin.

"Ano pong nangyayari sa inyong dalawa?" Hinihingal na sabi nung isang bodyguard.

"Help me to drag ma'am Loucy downstairs!" Ethan said.

Kinabahan ako sa sinabi ni Ethan kaya nang makita ko ang isang flower vase na malapit ay dali-dalingkinuha ko ito. Buti na lang at magaan ito at medyo maliit lang. Nanginginig man ang buong katawan ko dahil sa nangyayari ay nilakasan ko ang loob ko. Itinaas ko ang vase at itinapat ko malapit sa ulo ko.

"SIGE! SUBUKAN NIYONG LUMAPIT SA AKIN. IPUPUKPOK KO 'TO SA ULO KO. MAGSISIHAN NA LANG TAYO KAPAG NAGTANONG SI DADDY KUNG ANO NANGYARI SA AKIN. O DI NAMAN KAYA SANA KAININ KAYO NG KONSENSYA NIYO KAPAG HINDI NA AKO NAGISING."

Gosh! I can't believe that I am blackmailing them. Hindi sila nakaimik sa ginawa ko at lahat sila ay natahimik na parang tinatantya nila kung ipupukpok ko talaga 'tong hawak ko sa ulo ko.

"Ma'am Loucy, huwag naman po kayong ganito. Mapapagalitan po kami tiyak ni senator. Bumaba na po tayo." Aya sa akin ni Ethan pero umiling ako.

"Open that damn door." Utos ko sa kanila pero ayaw nilang sumunod kaya nang akmang ipupukol ko na talaga sa ulo ko ang vase ay inutusan na ni Ethan ang mga kasama niya na buksan ang pinto.

"Mapapagalitan tayo ni senator nito, sir Ethan." Bulong nung isa habang kinakalas nila ang mga lock ng pinto.

"Ganon din naman ang mangyayari kung hindi natin susundin si ma'am Loucy. Baka mas lalo tayong mapagalitan at baka mapatay pa tayo ni senator kapag pinukpok niya yung ulo niya." Mahinang sabi ni Ethan.

Lumapit ako sa pinto nang malapit na itong mabuksan. Halong-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Kinakabahan, sabik at naguguluhan. Kung si Ford nga ang lalaki na nandito, bakit siya nandito. Bakit siya ikinulong dito?! Nawala na rin ang mga kalabog kanina ng tao na nasa loob non at mukhang hinihintay din na mabuksan ang pinto.

Nang tuluyan nang mabuksan ang pinto ay nagsalita si Ethan. "Go inside ma'am Loucy. Kayo na po mismo ang tumingin kung ano o sino ang nasa loob." Udyok sa akin ni Ethan.

Dahan-dahan akong tumango at hinawakan ang doorknob ng pinto. Aminado ako na hindi ako magiging handa sa makikita ko pero wala ng atrasan 'to. Tumingin ulit ako kay Ethan at tinanguan lang niya ako.

"We always want you to be happy ma'am Loucy. Nasa sa inyo na 'yon kung anong klaseng kaligayahan ang sa tingin niyo para talaga sa inyo."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at unti-unting pinihit ang doorknob ng pinto. Lumangitngit ng bahagya ang pinto habang itinutulak ko ito. Hinayaan ko na mabuksan ko muna ito ng kalahati bago ako pumasok sa loob. Nanghina ako sa nakita ko at agad ay nag-init ang sulok ng mga mata ko.

He's seating on the edge of the mattress and he's looking at me like he's really waiting for my appearance. He's pale and thin. Hindi ito yung Ford na huli kong nakita. His hair is also longer than the last time and it needs some comb. Wala rin siyang pang itaas na damit kaya kita ko na talagang may pinagbago sa pisikal niyang katawan. Pumayat siya at wala ng kulay.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon