-2 MONTHS LATER-
Loucy's POV
"You're waiting for Zildian?" Tita Yancie asked when she saw me patiently waiting here in our sala.
Nakangiti akong tumango. "Yeah. Sa wakas nagkaroon na rin siya ng free time na dalawin ako rito sa Manila. Sabi niya mamamasyal daw kami."
May nanunuksong tingin sa akin si tita. "Hmm someone's happy. Enjoy your date then."
Tumango ako. "We will. Tita kamusta na nga pala yung pag-aasikaso sa kasal namin?"
Dahil nga sa naudlot ang kasal namin ni Zildian ay kailangan uli naming mag-umpisa mula sa umpisa. Hindi naman na kailangan asikasuhin lahat dahil ayos naman na ang mga 'yon nung kasal namin. May mga ilan lang na kailangan ulit asikasuhin kagaya ng mga pagkain, at ang pagdadagdag nila ng mga bisita. Hindi ko alam sa kanilang dalawa ni tita Claire kung bakit nagdagdag pa sila ng mga bisita pero hinayaan na lang namin sila ni Zildian.
"Wag mo ng probelemahin pa 'yon. Malapit na naming matapos ang lahat ng dapat ayusin. Magpahinga ka lang diyan at magpaganda para kapag nagkita kayo nung fiancé mo, mabighani siya sayo ng todo." Ano na naman ba 'tong mga pinagsasasabi ni tita!
Napairap na lang ako sa kawalan ay hindi na kumibo pa. Natatawa tuloy si tita na umalis para siguro kumain ng breakfast sa kainan. Habang naghihintay kay Zildian ay nakipaglaro muna ako kay Fudgee at Caramel. Nakakatuwa dahil talagang ibinili ni tita itong shitzu na iniregalo ko sa kanya noon ng kapartner. Kaya naman maya't maya ay may tahulan na nagaganap dito sa mansyon. Hindi raw kasi malaro ni tita si Fudgee kapag busy siya kaya ibinili niya ng kalaro.
This is what I've been doing for the past months. Nakikipaglaro sa mga aso o di kaya ay sumasama kay tita sa mga business errands niya. Pinabalik na kasi ako ni daddy dito sa mansyon namin pagkatapos nung nangyaring pagtigil ni Ford sa kasal namin ni Zildian. Wala rin akong balita kung ano na ang nangyari kay Ford pagkatapos non. Hindi rin naman kasi ako makapagtanong dahil baka kung ano pa ang isipin nila.
"Sit!" Turo ko kay Fudgee habang may hawak akong dog treats.
Natuwa naman ako nang sumunod ito kaya binigyan ko siya ng treat. Sinunod ko namang utusan si Caramel na sumunod din naman sa tinuro ko kaya binigyan ko rin siya ng treat. "Hindi ako magtataka kung isang araw tumatahol ka na rin." Napalingon ako agad sa nagsalita at nakita ko si Zildian na nakatingin sa gawi ko.
Binitawan ko ang hawak ko na dog treats saka ko patakbong pinuntahan si Zildian saka niyakap ko ng mahigpit. "Halatang miss na miss mo ako ah." Hmp! Ang kabwisitan yata niya ang hindi na mababago sa kanya.
Kinurot ko siya sa hita niya na dahilan kaya napabaklas siya sa pagkakayakap sa akin. "Ito naman hindi mabiro. Tagal nating hindi nagkita tapos heto pa mapapala ko sayo." Nakasimangot na sabi niya sa akin.
"Ganyan talaga. Namiss ka niyan eh. Kanina ka pa niya hinihintay habang nakikipaglaro sa mga aso ko." Singit ni tita na tapos na palang kumain.
"Tita!" Saway ko naman sa kanya.
Natatawang lumapit sa amin si tita. "Bakit? Totoo naman ah. Kahit tanungin mo pa si Caramel at Fudgee." Sabay yakap at beso nito kay Zildian.
Hindi na lang ako umalma pa. Kapag si tita ang nagsasalita mas pipiliin ko na lang na huwag na umimik pa dahil nakakagulat ang mga lumalabas sa bibig niya. "Tita alis na kami." Paalam ko sa kanya saka ko inilayo na si Zildian sa kanya. Mas maaga kami makakaalis mas mainam. Dahil kung hindi hihirit pa ng hihirit 'tong si tita.
"Sige mag-ingat kayo. Enjoy your date." Kumaway kami rito ni Zildian bago kami tuluyang umalis ng mansyon.
"Where are we going?" Tanong ko nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
Fiksi UmumI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...
