AN: A scene in this chapter can also be found in my book Worthless (Chapter 39).
Loucy's POV
"May lakad ka ngayon?" Tanong ko kay Zildian na naabutan kong nagsusuot ng sinturon dito sa sala.Lumingon ito sa akin habang ginagawa niya 'yon. "Ah yeah. Makikipagkita ako sa isang investor namin sa negosyo namin dito. Tinawagan niya ako kagabi. Nabalitaan daw niya na nandito tayo sa lungsod kaya nakiusap kung pupwede ko raw ba siyang puntahan at may pag-uusapan lang daw kami. Mas maigi raw sa personal kaya inimbitahan niya ako. Bakit? Gusto mo ba sumama? Wala ka naman atang gagawin ngayon, halika."
Nakangiti akong umiling. "Hindi na. Nahihiya akong sumama. Saka isa pa magpapasama nga rin sana ako sayo sa mall."
"Sa mall? Diba kapupunta mo lang nung isang araw?" Nakakunot nuo niyang tanong.
"Yeah. I'm craving for a waffle. At yung pinakapaborito kong waffle sa balat ng lupa ay nasa cafe na nasa mall din."
He chuckled. "I thought you cursed that food because it reminds you of your bastard ex."
Napanguso ako. "Dati 'yon. Bigla kong namiss eh."
Lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang buhok ko. "Sige ganito na lang. Ihahatid kita sa mall tapos susunduin na lang kita. O kung gusto mo punta muna tayo sa pupuntahan ko ngayon at saka kita sasamahan sa mall."
"Ayoko sumama sayo. Nahihiya ako. Hintayin na lang kita sa mall pagkatapos ng appointment mo."
Tumango siya. "I understand. Pero kailangan mong isaksak diyan sa isip mo na wala kang dapat ikahiya. Lumabas naman na sa balita na hindi ikaw ang babae sa mga kumalat na sex video scandal. Malinis na ang pangalan mo Loucy. Ilang buwan na rin ang nakakaraan."
Napayuko ako. "I know. Pero kasi alam ko na hindi naman ganon kabilis mabubura sa utak ng mga tao ang mga videos na 'yon. Kahit na hindi naman talaga ako 'yon, pangalan ko pa rin ang nakakabit doon. Siguro kahit sampung dekada ang lumipas nasa ala-ala pa rin ng mga nakanuod at nakabalita ang tungkol sa video na 'yon."
"Magagalit ka ba kung sabihin ko sayo na gusto kong bangasan sa mukha yung Ford na 'yon?!" Inis na sabi niya.
"Nope. Kung ako rin ang tatanungin mo, gusto ko rin siyang saktan ng pisikal hanggang sa mawala ang galit ko sa kanya."
"Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Gumayak ka na para makaalis na tayo." Tumango ako saka gumayak na sa loob ng kwarto ko.
Mabilis lang kaming gumayak na dalawa at gaya nga ng sabi niya ay inihatid niya ako sa mall na gusto kong puntahan. "Tawagan mo ako kapag may problema Loucy."
"Noted. Ikaw din tumawag ka kapag susunduin mo na ako." Sabi ko sa kanya bago ko tuluyang lumabas ng kotse niya. Kinawayan niya ako bago ko masara ang pinto ng kotse niya kaya kinawayan ko rin siya pabalik.
Nang makapasok ako sa loob ng mall ay isinuot ko agad ang hood ng jacket ko at medyo tinabanan ko ng buhok ko ang aking mukha. Sa ganitong paraan hindi agad ako makikilala ng mga tao na makakasalamuha ko rito sa mall.
Tahimik lang akong nagliliwaliw dito sa mall nang mapakiramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Nakailang lingon na rin ako sa likuran ko pero wala naman akong nakikita na sumusunod sa akin. Masyado lang siguro akong paranoid.
Nadaan na ako sa cafe na gusto ko sanang kainan ng waffle pero wala na silang available na table kaya babalik na lang ako mamaya. Sumakay ako sa escalator para magtungo sa ikalawang palapag ng mall para tumingin ng heels na pupwede kong magamit sa nalalapit kong kasal.
May nagustuhan naman ako agad. Hindi kataasan itong pinili kong heels at hindi siya masakit isuot kaya binili ko na. Yung isa ko pa kasi na nabili na talagang gagamitin ko sa kasal ko ay mataas at 'yon ang gagamitin ko sa wedding ceremony. Itong bagong bili ko ay gagamitin ko sa reception para hindi sobrang mangalay ang paa ko. Masaya akong nagbayad sa cashier at paalis na ako nang mapansin ko ang pamilyar na babae.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...