Loucy's POV
"Tita!" Masayang tawag ko kay tita Yancie nang maabutan ko siya na kumakain ng merienda sa sala.Lumingon ito sa akin at binigyan ako ng malaking ngiti saka idinipa ang mga braso para yakapin ko siya. Tumakbo ako papunta sa kanya pero biglang may tumahol ng malakas. Nilingon ko kung saan nanggaling ang tahol at nakita ko ang aso na ibinigay ko kay tita na tumatakbo papunta sa akin. Sa takot at gulat ko na kagatin niya ako ay tumakbo rin ako hanggang sa hinabol niya nga ako ng hinabol dito sa sala.
"Titaaa! Yung aso mooo!" Tili ko sa gitna ng pagtakbo ko. Paano ba naman kasi si tita tinatawanan lang ako habang kumakain pa rin sa halip na kunin yung aso niya.
Nang makalapit ako sa may bandang sofa ay tumalon ako rito at hindi na naka akyat pa ang cute na aso ni tita. Doon lang ako nakampante at saka pagod na umupo sa sofa habang ang mga paa ko ay hindi ko ibinababa sa sahig.
Nang bumalik na sa dating paghinga ang sarili ko ay naglakad ako papunta kay tita sa ibabaw ng mga sofa. "Napadpad ka na naman dineng bata ka. Ang dalang mo ng bumisita rine." Sabi niya saka niyakap ako nang makalapit ako sa kanya.
Niyakap ko rin naman siya pabalik at saka sumagot. "Sorry tita. Naging buy na naman kasi ako sa work. May kukunin lang akong ilang damit kaya nagawi ako rito."
Inirapan ko lang ang aso ni tita na nasa tapat ko at sinusubukan akong dambahin. "Look at Fudgee. He's jealous of you." Natatawang sabi ni tita habang nakatingin sa aso niya.
"He's cute but if he's going to bite me, I will hate him. Hey Fudgee! I was the one who bought you. You can't remember me?!" Pagkausap ko sa kanya pero tinahulan lang niya ako.
Inirapan ko siya saka ko niyakap ulit si tita. "Guess who bought his clothes." Tita said while still looking at his cute dog that has an angry look towards me. Napansin ko nga na nakapustura ang aso niya.
"Of course you, tita." I said like it's a matter of fact.
"Then you're wrong. Kuya Luther bought that for him. He's been addicted to online shopping this days. Binibili niya si Fudgee ng kung anu-ano. Magugulat na lang kami may package na para kay kuya. He said that Fudgee is like a son to him." Natatawang sabi ni tita.
Halos atakihin ako sa puso sa sinabi ni tita. "W-What happened to dad? Nasobrahan ba siya sa stress sa mga senate hearing?" Tanong ko kay tita.
Tumatawang tumango si tita. "Siguro. Kahit nga ako ay nagulat eh. Mas maamo pa nga tuloy si Fudgee pagdating kay daddy mo kaysa sa akin. Kapag nandito si kuya parang hangin lang ako rito kay Fudgee. Ngayon ko lang din nalaman na mahilig din pala sa aso si kuya."
"How dare you Fudgee! Binili kita para pasayahin mo si tita. Hindi si daddy! It is my job because I am his daughter! You are not his son!" Giit ko sa kawawang aso na galit naman na tumahol sa akin.
"Tita can you please get Fudgee. Hindi ako makaakyat sa kwarto ko oh." Himutok ko kay tita.
Agad naman siya tumayo at binitbit si Fudgee at inilagay sa kulungan nito. "Nasaan na yung kulungan niya na kasama kong binili?" Tanong ko kay tita nang mapansin ko na iba na ang kulungan ni Fudgee. Triple ang laki nito kaysa sa kulungan na kasama niya nung binili ko siya at may higaan pa siya sa loob. What a lucky dog!
"Nasa labas. Ginagamit namin kapag isasama ko siya paalis. Ito binili ni daddy mo 'to sa online din. Naawa raw siya kay Fudgee kapag nakakulong sa binigay mo. Ang sikip sikip daw."
Inis na tinignan ko naman ang aso. "Huwag ka ngang nang-aagaw ng daddy Fudgee!"
"Dadalasan mo kasi ang uwi rine ng hindi ka ipagpalit ng daddy mo kay Fudgee." Sabi ni tita sa akin habang kinakandado ang kulungan ng aso.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
Ficción GeneralI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...