CHAPTER 18: TRUE LOVE

341 4 2
                                    

AN: You can see a little glimpse of this chapter in chapter 8 of my book Worthless.

Loucy's POV
Pagbaba ko pa lang ng van ay nagtakbuhan agad palapit sa akin ang mga reporters pati mga cameraman at mga iba't ibang personalidad na nakikisawsaw lang. Mabuti na lang ay agad pumalibot sa akin ang dalawampung bodyguards na pinasama sa akin ni daddy papunta rito sa network building kung saan ako may kontrata bilang isang artista.

"Miss Loucy ano ba talaga ang totoo sa likod ng mga kumakalat na sex video scandals mo?"

"Sino sa tingin mo ang nagpakalat ng mga video mo miss Loucy?!"

"May nakabangga ka ba sa showbiz o ang daddy mo sa politika at sila ang may gawa ng mga kasiraan na video laban sayo?"

"Sinu-sino ang mga lalaki na kasama mo sa mga kumalat na videos mo?"

"Bakit ginawa mo ang bagay na 'yon miss Loucy?! Nanlamig ka na ba sa relasyon niyo ni Ford Esteban kaya naghanap ka ng ibang mga lalaki?"

"Totoo ba na hindi mo talaga kapatid yung naging issue mo nung nakaraan na itinanggi mo na may third party ka?"

"Happy go lucky girl ka ba talaga miss Loucy?"

"Epekto po ba ito ng broken family kaya kayo nagkaroon ng ganyang lifestyle."

Samut-saring mga tanong agad ang ibinato sa akin ng mga ito. Mabilis ang lakad ko at ganon din si tita na nasa tabi ko pati na rin ang mga bodyguards na nakapalibot sa amin. Buti na lang ay nakasuot ako ng itim na shades at malalim na sumbrero kaya hindi gaanong makuhanan ng media ang mukha ko kahit anong lapit ng camera nila sa mukha ko. Nakatulong din ang mahaba at nakalugay kong buhok para takpan ang mukha ko.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok na kami sa loob ng building ng network at wala ng mga nag-aabang na media rito. Nasa taas na ang mga media ng network namin na siyang hahayaan ko na tanungin ng kung anu-ano. Yung mga paparazzi na sumalubong sa akin kanina sa labas ay mga taga ibang network o kaya ay mga nagtatrabaho sa iba't ibang social media platforms na naglalathala ng news.

"I didn't know that, that was stressful." Sabi ni tita na halata sa boses na nastress nga siya.

"Well it is. Pero sanay na ako. Buti na lang madaming pinadala si daddy na bodyguards. Kung hindi baka naipit nila tayo at baka magkaroon pa ng stampede." Sabi ko kay tita.

Sumakay na kami ng elevator kasama ang mga bodyguards. Nang makalabas kami ng elevator ay nakasunod pa rin silang lahat sa akin maging si tita. "You're coming with me tita Yancie?" I asked her when I was about to open the door of the conference room where Franz and the media were waiting.

"Yes. Baka kung anu-ano ang sabihin nila sayo roon sa loob. Sasama ako." She said. Tumango ako at hinayaan ko siyang sumama sa akin habang ang mga bodyguards ay naiwan na lang sa labas. Sa dami nila ay baka magsiksikan na kami rito sa loob.

"Andito na si miss Loucy!" Sabi ng isang reporter na malapit sa pintuan kung saan kami nanggaling ni tita kaya narinig ko siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad lang ako na parang walang kumakalat na scandal sa akin sa harapan nilang lahat. Taas nuo akong nagpunta sa upuan at mesa na nakalaan para sa akin. Tumabi ako kay Franz na inalalayan naman ako agad habang si tita ay umupo sa sulok nitong maluwang na conference room. Sa dami ng reporters, cameraman at mga nakikiusyoso ay halos mapuno na namin ang lugar na 'to.

"How are you feeling?" Bulong sa akin ng manager ko. Hinayaan lang namin ang mga nakikislapang camera na kunan kami ng litrato.

I smiled at her. "I'm good. Sabi nga ni tita at daddy wala naman daw akong dapat ikabahala dahil hindi naman ako ang mga nasa video na 'yon."

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon