Loucy's POV
"I don't know if this is a good news to you my Loucy." Callos said in our call."Hmm what it is?" Tanong ko rin naman agad.
I heard his deep sigh before he speaks. "We really did our best to look for the proofs that will put Diarra in jail for a long time. Wala talaga kaming makita na ebidensya para maidiin siya. We also try to figure out that maybe your manager before Franzine has something to do with your issue. Kung hindi ako nagkakamali ay nagkaoon kayo ng away ng dati mong manager. Pati na rin ang mga nakabangga ng daddy mo sa kampanyahan nung nakaraan ay tinitignan namin. But that doesn't mean that Ford is now safe. Mas pinaigting na ng mga pulis ang paghahanap sa kanya."
"I-I don't know what to say honestly. I'm not sad but I'm not also happy with the news. Kahit ako gulong-gulo na kung sino talaga ang maaaring may kasalanan." Litong-lito na rin ako sa imbestigasyon!
Ang dami ng nadadamay. Buti na nga lang at binayaran na ni daddy ang mga media para hindi na ibalita pa sa tv pati na rin sa mga social media. Kaya kahit papaano ay medyo magaan na rin ang pakiramdam ko. Sabi kasi ni daddy hanggat nababalita sa tv at mga social media ang issue ko ay lalo lang daw papangit ang pangalan ko at image. Hindi lang 'yon, marami raw lalaki na mababawasan ang respeto sa mga babae kaya mas mabuti pa na huwag ng ibalita pa ng mga journalist. Isa pa ay wala naman silang mapapala sa gumugulong na kaso. Mas mainam nga na manahimik na lang sila.
"Pinakapinagtutuunan ngayon ay si Ford. Pati mga kasamahan niya sa basketball ay isa-isa na ring tinawagan ng mga awtoridad para magbakasakali na alam nila kung nasaan si Ford ngayon. Wala rin siyang record sa mga airlines kaya kahit papaano ay panatag ang mga pulis na nandito lang siya sa bansa." Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil baka masabi ko pa ng wala sa oras kay Callos kung nasaan si Ford.
Pero hindi rin naman ako sigurado sa text na natanggap ko nitong nakaraang araw na nasa vacation house nga raw si Ford sa Pampanga. Sinubukan ko kasing tawagan yung nagpadala ng text sa akin pero hindi ko naman ito macontact. Tinext ko rin ito pabalik at tinanong kung saan mismo sa Pampanga pero hindi na ito nagtext pabalik. Nakiusap nga rin ako sa text na baka pwede niya akong tawagan pabalik pero dalawang araw na ang nakakalipas ay wala naman akong natanggap na tawag maliban sa mga tawag ni Callos.
"Sooner or later Ford will get tired of hiding. Hindi magtatagal ay magpapakita rin siya lalo na at may mga naghahanap sa kanya. Hindi 'yon mapapakali sa lungga niya." Sabi ko kay Callos.
I know Ford too well. He can't stay inside a house for too long. Lalo na at atleta pa naman siya. Hahanap-hanapin niya ang sakit ng katawan ng paglalaro ng basketball.
"You really sure that you don't have any idea where he is right now?!" He asked.
Napakunot nuo ako. "What are you trying to say? Na pinagtatakpan ko si Ford ganon ba?!"
Matagal bago ito nakasagot. "Hindi naman sa ganon Loucy. Kaya lang kasi...alam ko naman na mas mahal mo pa rin siya kaysa sa akin. Hindi malabo na baka tinutulungan mo siyang magtago. I am not saying this to hurt you. I'm saying this to open your eyes. Lagi ka na lang niyang sinasaktan. Wala siyang ibang ibinigay sayo kung hindi sakit. Ngayon kung tinutulungan mo siya na magtago mag-isip kang mabuti. I just want the best for you."
Sa lagay na 'to dapat nagagalit na ako sa kanya pero hindi. Wala akong maramdaman na galit sa sinabi ni Callos. Maybe because I'm guilty. Kasi alam ko sa sarili ko na tama ang sinabi niya na mas mahal ko pa rin talaga si Ford. O baka nga wala naman talaga akong pagmamahal na nararamdaman kay Callos at ang nararamdaman ko na 'to sa kanya ay parang kapatid lang. Dahil lumaki ako na mag-isa at walang kapatid, nakikita ko sa kanya ang isang katangian ng kuya. Masakit man isipin pero alam ko na ginagamit ko lang siya.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...