CHAPTER 22: ALONE

295 3 0
                                    

Loucy's POV
"You look so cute with your shirt!" I said to Fudgee while caressing his hair. Tumahol lang siya sa akin at saka pinagalaw ang buntot niya na parang sinasabi niya na nagustuhan niya ang sinabi ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan sa likuran ko kaya naman nilingon ko ito at nakita ko si daddy na halatang kauuwi lang. Nginitian ko siya saka ko siya nilapitan para sana halikan siya sa pisngi pero iba ang isinukli niya sa akin. Sinampal niya ako ng ubod ng lakas dahilan para mapaatras ako palayo sa kanya. Sinapo ko agad ang pisngi ko na namanhid at pakiramdam ko ay nangapal sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni daddy.

"D-Dad?" Ang tanong ko sa isip ko ay hindi ko nasabi kay daddy. Nakakatakot ang emosyon sa mukha niya at nagtataka rin ako dahil bakit ganito siya sa akin.

"WALA KA NA BA TALAGANG KAHIHIYAN SA SARILI MO LOUCY?! YOU'RE A WHORE! ITO NA NGA BA ANG IKINAKATAKOT KO. ANG MAGAYA KA SA INA MO!" Dahil maluwang ang sala namin ay nag-echo ang malakas na boses ni daddy dahilan para marinig kami ni tita na nasa malapit lang.

"What's happening here kuya?!" Tita Yancie said while eyeing us.

Huminga si daddy ng malalim na para bang pinipigilan niyang sumabog sa galit ang sarili niya. "WHY DON'T YOU ASK THIS WHORE!" Sabay duro sa akin ni daddy.

Mabilis na lumapit sa akin si tita at humarang sa harap ko para depensahan ako kay daddy. "Kuya! Hindi mo dapat pinagsasalitaan ng hindi magandang bagay ang anak mo! Ano ka ba naman! Kaisa-isa mo na nga lang na anak si Loucy gaganyanin mo pa!" Sabi ni tita kay kuya.

"You don't know anything Yancie! Hindi ko pinalaki ang bata na 'yan para maging ganyan." Sabat pa ni daddy at saka tinawag si Ethan. Si Ethan ang leader ng bodyguards namin at siya madalas ang tawagin ni daddy kapag may kailangan. Parang kanang kamay na rin siya ni daddy bukod sa secretary ni daddy.

Sinilip ko naman ang ginawa ni Ethan at nakita ko na may inabot siyang envelope kay daddy. Mabilis naman itong kinuha at binuksan ni daddy. Nanlamig ako nang isa-isang ilabas ni daddy ang mga pictures namin ni Callos. Nakadevelop pa ang mga ito kaya malinaw.

"I thought that what's going on between you and your attorney is just a rumor, because that's what you said in your interview when you reveal that those sex video scandals were all fake! Talagang pati ba naman dito sa pamamahay ko Loucy gagawin mo ang kalandian mo?! Alam mo kung hindi lang umamin si Ford na siya talaga ang nagpagawa ng mga edited videos mo ay maniniwala na siguro ako na ikaw nga ang nasa mga videos."

Hindi agad ako nakakibo. Si Ford umamin na?! Kailan pa?!

"Umamin na si Ford, kuya?" Si tita Yancie ang nagtanong.

"Oo. Sumuko siya sa akin kanina. Kadadala lang namin sa kanya sa pulis at bago pa ako tuluyang lumabas ng presinto ay kinuyog na ako ng media dahil sa lintik na babae na 'yan!" Sabay duro na naman sa akin ni daddy.

"Teka muna kuya. N-Nagpunta si Ford dito para sumuko sayo?" Hindi makapaniwalang sabi ni tita.

Tumango si daddy bilang sagot. "At hindi mo sinabi sa amin dahil?" Dagdag ni tita.

"Ngayon ko pa lang dapat sasabihin dahil ngayon lang siya nagbigay ng kompletong detalye kung ano talaga ang ginawa niyang kasalanan sa harap namin at ng mga pulis." He answered.

"Okay. Now let's talk why were you angry with my niece?" Tita Yancie said calmly.

Inabot naman agad ni daddy ang mga pictures na malilinaw ang kuha sa tita ko na agad namang kinuha ng isa. "I was about to leave the precinct when medias approached me. They keep on asking what's really going on with this lady and her attorney."

"Ano naman ang sinabi mo kuya?" Sabi ni tita habang tinitignan ang litrato namin ni Callos simula nung maging kami. Kung sino ang kumuha ng mga 'yon ay hindi ko alam. Ang masasabi ko lang ay ang galing niya dahil lahat ng kuha niya ay kitang-kita na kami ni Callos 'yon.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon