CHAPTER 11: SELF LOVE

297 8 3
                                    

Loucy's POV
"Whew." 'Yon ang tanging nasabi ko nang maramdaman ko na humahapdi na ang balat ko dahil sa sobrang pagbababad sa araw.

"I will not do this again next time. Ano kaya ang sasabihin sa akin nila Franz kapag nakita nila na tustado na ang kulay ko pagbalik ko ng Manila. For sure sasabihin na naman niya sa akin na sayang ang balat ko at ang giagawang pag-aalaga ng mga sponsors ko sa kutis ko."

Umalis na ako sa pool na nilalanguyan ko at kinuha ko na ang sarong ko at shades na nakapatong sa isang recliner chair. Binalot ko agad ito sa katawan ko at ang salamin ko naman ay sinuot ko na rin para wala ng gaano pang makakilala sa akin. I was about to walk towards my hotel room when someone called me.

Nilingon ko siya at nang makita ko na papalapit siya sa akin ay hinintay ko siya na makarating sa akin. I don't know him. But I think he's a model. He's like a ramp model while walking towards me. He's wearing a swimming trunks and his body is in the perfect shape.

Maputi rin ito at mestizo. Lalo na nang lumapit ito sa akin. Ang tangos ng ilong nito at iba ang kulay ng mga mata. Hindi ko alam kung espanyol ba siya o amerikano. Basta hindi siya pinoy. "Hi! My name is Patrick. You're alone beautiful lady?" Hindi ko alam kung sinadya ba niya na akitin ako gamit ang boses niya. Tama nga ako na isa siyang foreigner dahil sa accent niya sa english.

Kumindat pa ito sa akin at saka nilahad ang kamay para sa akin. Tinanggap ko naman ang kamay niya ng walang pagdadalawang isip para makipag shake hands. Wala naman sigurong masama ron. Makikipagkilala lang naman ako. Ang masama ay ang makipaglandian ako sa kanya. Na hindi ko naman gagawin kasi hindi siya ang mga type ko na lalaki. "Hello Patrick. My name is Lou." I answered while giving him a bright smile.

Mukha naman siyang mabait at hindi gagawa ng masama pero hindi ako interesado sa mga katulad niya talaga. Kahit na nga ba mas maputi siya sa akin. "So you're alone Lou?" He asked again the same question.

Umiling ako habang may ngiti pa rin ako sa mga labi. "I'm not alone Patrick. I'm sorry."

Hindi ito naniniwalang tumingin sa akin. "Really? But I am watching you the whole time here in this pool and no one is approaching you. That's why I assumed that you're alone."

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. Ayoko ng ganon. Ayoko ng may tao nanunuod sa akin kapag nakasuot ako ng sexy na damit. I'm not assuming. Pero diba parang pagmamanyak na rin na matatawag 'yon. Don't get me wrong. It is my fault that I'm wearing a bikini. Pero dapat hindi na niya siguro sinabi sa akin na simula nang lumipat ako rito sa pool na 'to ay pinapanuod na niya ako.

That's just creepy. I've been swimming here for three hours straight now. Buti sana kung mga ilang minuto lang. Hindi ko pinahalata na nailang ako bigla sa kanya. "M-My fiance is in our room. He's sick right now that's why I'm alone. He was the one who urged me to relax while he's recovering in our room. He said that he doesn't want to ruin our vacation." I am really indeed a liar.

Biglang nagkaroon ng panghihinayang sa mukha nito. "Oh. I'm sorry. But nice meeting you sweetheart. See you around this island." He said, still flirting with me.

"Yeah. See you around. Enjoy here in our country." He winked at me.

"Of course I will." Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang isang kamay ko at may inilagay siya roon na isang papel na pinunit sa kung saan.

"Incase. Bye Lou." He even kissed me on my left cheek before he left.

Kinuyom ko ang isa kong kamao dahil naiinis ako sa sarili ko. Ni hindi ko man lang nasampal ang dayuhan na 'yon! Hindi ko naman kasi alam na hahalikan niya ako. Kala naman niya type ko siya. Wala sa mood akong tumalikod at saka naglakad. Habang naglalakad ay binasa ko ang nakasulat sa papel na binigay niya at nakita ko ang account name niya sa isang social media site.

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon