CHAPTER 35: DUMP

337 4 0
                                    

Loucy's POV
"WHAT'S THE MEANING OF THIS?!" Napalingon kami pareho ni Ford nang umalingawngaw sa kusina ang boses ni daddy.

"What are you doing here dad?!" Tanong ko naman sa kanya.

Lumapit siya sa amin at hinila ako paalis sa upuan kung saan katabi ko si Ford na kumakain ng hapunan na niluto ko. "Hindi na mahalaga 'yon Loucy! Sagutin mo ang tanong ko! Anong ibig sabihin nito?! Ano yung sinabi sa akin ni Zildian kanina na umaatras ka na sa kasal Loucy?!"

Pilit akong umalis sa matinding pagkakakapit ni daddy at nagtagumpay naman ako. "Nagsumbong na pala siya sayo?" Mataray kong sabi.

"At bakit hindi magsusumbong sa akin si Zildian?! May karapatan siya na magsabi sa akin dahil sa kanya ka magpapakasal! Tapos ganito!" Nagkatinginan kami ni Ford.

"Dad... it's about time to choose my happiness."

"And that's with this bastard right here?! Hindi ka ba nag-iisip?! Wala namang ibang dinulot sayo yung lalaki na 'to kung hindi ang saktan ka, sirain ang pangalan mo at babuyin ka. 'Yan ba yung saya na hinahanap mo?! Maniwala ka sakin, sasaktan ka lang ulit niyan." Kontra ng ama ko.

"Dad, walang masama kung bigyan ko siya ng huling pagkakataon. Isa pa hindi ko naman mahal si Zildian bilang fiancé ko. Mahal ko siya bilang kaibigan lang, dahil si Ford pa rin ang mahal ko." Ilang segundong hindi nakarinig ang kanang tenga ko dahil sa pagsampal sa akin ni daddy.

Mabilis akong dinaluhan ni Ford. "Senator, hindi niyo po kailangan saktan si Loucy." Pagtatanggol nito sa akin saka ako niyakap.

"Wag kang makialam! Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit umabot pa kami sa ganito ng anak ko! Ikaw ang puno't dulo nito! Hayop ka!" Nanggagalaiting sigaw ni daddy.

Kahit na masasakit na salita na ang natanggap ni Ford ay hindi niya pa rin ako binibitawan sa pagkakayap. "Alam ko po 'yon senator. Nagsisisi naman na po ako sa ginawa ko at hindi po ako magsasawa na humingi ng tawad sa inyo ni Loucy hanggang sa mapatawad niyo ako."

"Gago ka ba?! Hindi kita mapapatawad! Sinira mo ang pagkatao ng anak ko! Sinara mo ang pangalan niya at binaboy mo siya sa harap ng maraming tao! Dahil sayo kaya siya nawala sa showbiz at parang daga na nagtatago sa lungga dahil nahihiya humarap sa mga tao dahil huhusgahan siya! Alam mo Ford na botong-boto ako sayo nung una pa lang. Kung hindi mo ginawa kay Loucy ang mga 'yon, baka hayaan kitang patunayan ang sarili mo sa amin."

Sa gitna ng mainit na pagtatalo namin ay natanaw ko si Zildian na paparating. Lumapit siya kay tito at nakikimasid lang. Nakabalik na agad siya galing Palawan. At ang bilis ng balita na nakarating kay daddy gayong hindi pa natatapos ang araw na 'to ay nandito na agad siya sa Bataan. Wala pang labing-dalawang oras simula nung madatnan ko si Ford dito at iniurong ko ang kasal. Sabagay, wala naman ibang magagawa sila Ethan kung hindi ang ibalita sa kanya ang nangyari kanina.

Umalis ako sa pagkakayakap kay Ford at tinignan ko ng matalim si Zildian. Sinungaling! Alam ko na ngayon na alam niyang dito ikinulong ni daddy si Ford!

"Mabuti at nandito ka na hijo. Ngayon papipiliin natin 'tong anak kong tanga." Sabi ni daddy kaya kinain ako ng hiya. Kailangan pa ba niyang ipangalandakan ang salita na 'yon sa harap ng ibang tao?!

"Kayo po ang bahala tito. Ano man po ang piliin niya ay hahayaan ko siya. Wala akong ibang hangad kung hindi ang maging masaya si Loucy." Sagot ni Zildian.

"Ngayon Loucy mamili ka. Sa oras na pinili mo si Ford, babawiin ko lahat ng bagay na galing sa akin. Itatakwil kita at hahayaan kita na pulutin sa kangkungan."

Heto na naman siya. Ginigipit na naman niya ako. "Go ahead. Take my things with you. I'm not happy with those. Nasa tamang edad na ako para magdesisyon at buo ang isip ko. Si Ford ang pinipili ko. Wala ng magaganap na kasal Zildian. Sana maintindihan mo. Aanhin ko ang karangyaan kung hindi naman ako masaya."

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon