Ford's POV
I sighed when I enter my car. This is a very bad night for me. Una nakasuntok ako at napagalitan ako ni coach. Tapos napahiya ko pa si Loucy sa harap ng mga tao at alam ko na sobra ko siyang nasaktan kanina. Inis na napalo ko ang manibela ng sasakyan ko.
Bakit ba kasi may ugali ako na kapag sobrang badtrip ako ay matagal bago lumamig ang ulo ko. Napagbuntunan ko tuloy ng galit si Loucy ng hindi ko sinasadya. Bago ko tuluyang paandarin ang kotse ko ay sinubukan kong tawagan si Loucy pero hindi na naman niya ako sinagot.
Dahil ayaw naman niya sagutin ang tawag ko ay nagmaneho na lang ako papunta sa condo building niya. Mabibilis ang hakbang ko para makarating ako agad sa unit niya. Wala pa yatang limang minuto ay nandito na ako sa tapat ng pinto ng unit. Nagdoorbell ako para malaman niya na nandito ako. Ayoko naman kasing pumapasok dito ng hindi niya alam dahil kahit papaano ay gusto ko siyang bigyan ng privacy bilang boyfriend niya.
Boyfriend niya. Deserve ko pa ba na tawagin ang sarili ko na nobyo niya? Ni hindi ko na nga siya mabigyan ng oras at halaga tapos nagloloko pa ako. I love Loucy. I really really love her. It never change.
Kaya lang naman ako nawawalan na ng gana sa kanya dahil hindi na niya ako gaanong pinagtutuunan ng pansin. Lalo nung talagang kasagsagan ng kasikatan niya. Hanggang ngayon naman sikat pa rin siya sa showbiz pero hindi kagaya noon na puro na lang talaga career. Maya't maya may shooting, taping, modeling at endorsing siya non. Hindi pa kasama roon ang mga press conference niya.
Hindi na siya nakakanuod ng mga laro ko non tapos lagi niya na rin akong tinatanggihan kapag inaaya ko siya na magdate kami. Hindi naman siya nanlamig sa akin sa totoo lang. Nawalan lang talaga siya ng atensyon sa akin na hindi ko kayang tagalan. Pakiramdam ko kasi kaya niya akong ipagpalit para sa career niya.
Tapos kapag nagseselos ako sa mga nakakalove team niya siya pa galit at nagkakaaway kami kapag ganon. Trabaho raw niya 'yon at dapat ay intindihin ko siya. Sinasabi ko naman sa kanya na lalaki ako at alam ko ang mga gawain ng iba sa mga kalove team niya na pinagselosan ko. Hindi naman ako ganon kababaw. Sadyang may mga nakaloveteam siya na halatang may gusto sa kanya. May isa pa nga na ang hilig makipagflirt at sobrang clingy sa kanya e.
Ilang pindot na sa doorbell ang ginawa ko pero walang nagbubukas kaya naman sinubukan kong binuksan ang pinto ng unit niya gamit ang passcode at laking gulat ko nang hindi ito gumana. Inulit ko pa ng makailang beses ang passcode pero hindi talaga gumana. Loucy changed her passcode so that I will have no access to her unit anymore.
Dahil sa sama ng loob ay sunod-sunod kong pinindot ang doorbell niya. Baka sakaling makulitan at pagbuksan na ako pero wala talaga. Kaya naman tinawagan ko siya sa cellphone pero ganon din. Wala rin akong napala. Hanggang sa nauwi na lang sa text ang ginawa ko.
To: Waffle
Open the door please. I know you're inside this unit. Let's talk.
Walang buhay akong naupo sa sahig malapit sa pinto ng unit ni Loucy habang naghihintay sa text niya o ang pagbukas niya sa pinto. Isang oras akong tumambay dito sa tapat ng unit niya na parang isang stalker hanggang sa ako na rin ang sumuko at umuwi na ako sa bahay namin. Maybe she needs more time to think and I will give it to her.
Loucy's POV
I am massaging my scalp with shampoo when I hear the doorbell rang. Nagmadali tuloy ako sa pagshashampoo para pagbuksan ng pinto ang nasa labas ng unit ko nang hindi naman na ito ulit tumunog. Hinintay ko ulit na tumunog ang doorbell at kapag tumunog pa ulit ay lalabas na talaga ako ng banyo. Kaso hanggang sa matapos ako sa pagligo ay wala ng doorbell na tumunog kaya hinayaan ko na lang.
May flight pa akong hahabulin kaya naman hindi pwedeng masayang ang ilang oras ko. Nang makalabas ako ng banyo ay agad akong nagpahid ng lotion sa katawan ko at nagblower ako ng buhok ko. Halos kalahating oras din ako sa tapat ng salamin dahil sa pag-aayos ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...
