Kabanata 3.

3 0 0
                                        

Friends

It's our second day in being an OJT students in Toyota Plaridel.

Lunch time na namin at napagdesisyunan naming anim na magsabay sabay nang kumain.

Tutal sabay naman ang lunch namin kahit different department at kami lang din naman ang magkakakilala dito.

Kaming dalawa ni Ion ang huling dumating sa grupo.

Hindi kami nag-uusap ni Ion sa totoo lang. Kahit pa magkasama kami sa iisang department medyo ilag talaga ko sa kanya at parang wala naman siyang paki sa kasama kaya hindi din siya mahirap iwasan.

At kanina naman ay kay Mrs. Gonzales ako at siya naman kay Mr. Cruz magkahiwalay kami dahil magkaiba ang inutos sa amin.

Sabay lang kaming nag-out para maglunch at napag-usapan naman naming lahat kanina bago kami mag-in na sabay sabay kaming kakain at sa canteen nalang magkita-kita.

Pahaba ang mesang napiling upuan nang aming mga kasama magkatabi si Princess at Arnie bakante ang katabing upuan nito at sa harap naman nila si Roly at Rose na may isang bakante ding upuan sa tabi ni Rose.

Nasisigurado akong para saming dalawa ni Ion ang bakanteng upuan.

Umorder muna kami nang foods ni Ion at inintay iyon bago tumulak papunta sa table namin. Nakaorder na din ang mga kasama namin iniintay nalang kami para makapag-umpisa na sa pagkain.

"Ion dito kana sa tabi ko" Nakasmile na alok ni Arnie kay Ion nang nakalapit kami sa kanila.

Kumunot ang noo ni Ion at hindi pinansin si Arnie. Tumabi siya sa tabi ni Rose na ikinagulat nito.

Dahil wala nang iba pang pwedeng upuan ay tumabi nako sa upuang inaalok ni Arnie. Nginitian ko siya bago umupo binalik niya iyon sa akin na ngiting napahiya sa nangyari kanina.

Masyado kasi siyang agrisibo pag dating kay Ion napapansin ko lang. Halatang halata na isa siyang admirer ni Ion hindi man lang magpabebe nang ka-onti.

Nakita kopang hinahagod ni Princess ang likod ni Arnie na parang inaalo at binubulungan nang mga pampalubag loob na salita.

"Kain na tayo" Roly said.

And we did that.

Saglit na katahimikan lang at bumanat nanaman si Arnie.

"Ion gusto mo nang tubig? Kukuha kita"

Nasamid si Rose sa narinig kay Arnie. Kasamidsamid naman talaga tong mga inaakto ni Arnie. Hindi talaga titigil hanggat hindi nakukuha ang atensyon ni Ion.

Self-service kasi dito sa canteen nang Toyota. Sari-sariling kuha nang tubig. Pagtapos naming kumain ay may isang place na pag dadalhan mo nang sariling pinagkain at iseseperate mo ang mga utensils na iyong ginamit.

"No need ako na ang kukuha nang inumin ko"

Pagtapos sabihin iyon ay tumayo siya at nilingon niya si Rose.

"Do you need water?" Nanlaki ang mata namin pare-parehas sa narinig mula kay Ion.

"Umm...oo pasabay na din ako nang kuha" Rose said in a shy tone.

Inantay kong alukin niya din ako dahil ako din ay wala pang tubig katulad ni Rose.

Nahuli niya ang pagtitig ko sa kanya at tinaasan niya ako nang kilay sabay talikod na at punta sa water dispenser.

May special treatment na nangyayari. Nakita kopa ang pag-irap ni Arnie kay Rose at tinuloy na ang pagkain ganon nalang din ang ginawa ko.

Atsaka may kamay at paa naman ako kaya kong kumuha nang sariling tubig tinignan ko lang talaga kung may mabuti siyang puso para alukin ako katulad nang ginawa niya kay Rose.

Withered Flower (Series: I)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon