Kabanata 36.

0 0 0
                                    

Wazz-up and down mga kabigas, babala may matured scenes! Read responsibly!

Wintered Flower =)

"Mukhang hindi makasagot si mama. Mas mabuti siguro kung uuwi na tayo mga anak" Si Ion nang hindi nakakahuha ng sagot sa akin.

"Hi there Bea! Kunin ko na ang mga anak at asawa ko okay lang?" Ngumiti siya kay Bea, hindi niya man lang binigyan nang kahit sulyap ang dalawa pang lalaki. Tila wala ito doon.

"S-sige" Utal na sagot ni Bea.

"Let's go" Aya niya sa akin, nauna na silang tumalikod akay niya ang dalawang bata.

"Mauna na kami sa inyo, next time na lang ulit" Alinlangan akong ngumiti, sabay alis na agad hindi na inintay ang sagot nila.

Narinig ko pa ang pahabol na sigaw ni Bea na magchat daw kaming dalawa.

Hanggang sa makauwi kami ay hindi ako kinikibo ni Ion. Ramdam ko iyon dahil sila Fay at Rosen lang ang kinakausap niya.

Tuwing sasali ako sa usapan ay tatahimik siya.

"I just continue my work, sleep na okay?" Paalam niya sa mga anak nang maggabi.

Hinalikan niya ito sa mga noo, inintay kong magpaalam din siya sa akin kahit wala nang kiss ay okay na.

Pero ni isang salita ay wala akong natanggap.

Tumalikod na siya at lumabas nang kwarto namin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Pinatulog ko muna ang dalawa, nagplaplano akong sundan siya sa office niya para mag kausap kami.

"Ion" Kumatok ako sabay tawag sa kanya, ilang beses kong ginawa yon pero wala akong narinig na tugon.

Kaya naman walang pagdadalawang-isip kong binuksan ang pinto ng opisina niya.

Naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa laptop niya, hindi niya man lang ako sinulyapan.

Lumapit ako at tumayo sa gilid niya.

"Ion" Kuha ko sa atensyon niya, ngunit walang epekto.

"Orion Rigel" Binuo ko na't lahat ay wala pa din. Tuloy pa din siya sa pagtipa.

May naiisip akong gawin pero nahihiya ako, paano na?

Natahimik ako saglit, nag-iisip nang mas mainam na gawin.

Dahil sa wala na akong naisip pang iba at ayoko na din nang paraan ng pagtrato niya.

Gumawa ako nang bagay na talaga namang kahiya-hiya para sa akin.

Dahil may gulong ang inuupuan niyang upuan, hinawakan ko iyon sa arm rest at inikot siya paharap sa akin kahit mabigat siya ay kinaya ko naman.

Bakas ang gulat niya sa biglaan kong pagkilos.

Mas kinagulat niya pa ang sunod kong ginawa, kumandong ako paharap sa kanya.

"Please baby, pansinin mo na ako" I pleased.

Kumapit ako sa batok niya at idinikit ang noo sa kanya, kapirasong espasyo na lang meron sa aming dalawa.

"What the fuck are you doing Tulip?" Tuliro niyang tanong.

Batid kong unti-unti nang may nagigising sa kanya dahil sa posisyon namin.

Ramdam ko ang pagbangon nito.

"Ayaw mo akong pansinin e" Nagtatampo kong pahayag.

"So? Go on, makipagkita ka bukas sa Axel na iyon" Seryoso niyang saad.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon