Kabanata 6.

1 0 0
                                    

Partner

Hello monday! Nasa tapat na ako nang gate nang EU at iniintay kona lang si Bea.

"Mars! Namiss kita!" Dinamba ako nang yakap ni Bea pagkarating nito na ginantihan ko din nang sobrang higpit na yakap.

"Grabe mars! Tagal nating hindi nagkita! One month din yon ha! I miss you!"

Dire-diretso kasi ang OJT namin. Talagang nilaan ang 20 Days nayon na magkakasunod na linggo kaya isang buwan kaming wala sa school.

"I miss you too!" Bihira nalang din kami magtawagan ni Bea huling tawag ko ata sa kanya ay yung nagkwento pa ako tungkol kay Ion.

Kakapagod din kasi yung OJT pagkauwi mo ay gusto mona lang kumain at dumiretso sa pag tulong. Wala tuloy kaming oras magchikahan ni Bea.

Tumanaw ako sa loob nang EU at talaga namang namiss kong pumasok nang university.

Excited na ulit ako makapasok. Sa hindi inaasahan ay natanawan ko sa hallway si Rose at Ion na sabay naglalakad.

Sabay pumasok ha? Umasim ang mukha ko sa nakita.

Napakaganda nga naman nang umaga. Biglang nalusaw ang excitement ko.

"What's with that asim face?" Sinundan ni Bea ang tinitignan ko at nagulat ako nang tumili ito.

"Ano ba!" Napa-aray ito nang hampasin ko siya sa braso.

"Bakit nanakit ka mars!" Nakasigaw niyang tanong.

"Bakit ba kasi bigla kana lang tumitili at bakit din ba naninigaw ka ha?" Inambaan ko siya ulit nang hampas pero nakailag siya.

"Hoy wag mo kong mahampas-hampas! Marami ka pang utang na kwento sa akin!"

"Hoy ka din! Wala ako sa mood mag bayad nang utang ngayon" Inirapan ko siya at inunahan na sa paglalakad.

"Hoy sandali! Intayin mo ako!" Ano ba ang meron at panay ang hiyaw nang isang to. Huminto ako at inintay siyang makahabol.

"Can you please tone down your voice? Ang aga-aga pa Bea" Singhal ko sa kanya nang tumabi na siya sa akin.

"Kanina naman maganda ang mood mo ha! Tas biglang magsusungit? Ang aga-aga pa Tulip" Paggagaya niya sa akin.

"At bakit? May itinakda bang oras para sa pagsusungit?" I said sarcastically.

"At bakit? May itinakda din bang oras para sa paglalakas nang boses?" Sarkastiko niya ding sabi.

Hindi kona siya sinagot at ginulo kona lang ang buhok ko sa sobrang pagkainis lahat nalang nang sinasabi ko may rebat tong babae na ito.

Ganyang ganyan ang ugali niyan. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad tinawanan lang ako nang luka at sumunod na din.

Pagkapasok sa room ay dumiretso ako sa silya ko at padabog na naupo.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagkainis ko. Hindi ko nga ba alam?

Sa sobrang inis ko ay kung hindi pa nagtanong si Ion ay hindi ko maalalang katabi ko nga pala ito sa upuan.

"Kung painter ako at ikaw ang subject ko ngayong araw, siguradong mahihirapan akong ipinta ka. Alam mo kung bakit?" Matawa-tawa nitong tanong.

"Bakit?" Dahil may lahing epal si Bea hindi pa ako nakakasagot ay sumabat na ito.

"Hindi kasi maipinta ang mukha niya e" Tumawa sila nang sabay na para bang wala nang bukas.

"Happy?" Inis kong tanong sa kanilang dalawa.

"Nako Ion pagpasensyahan mona tong mars ko. Baka red days!" Natawa ulit silang dalawa.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon