Kissing Monster
Lumipas ang buwan na ilang beses na ulit ang pag punta ko sa bahay ni Auntie Es para makasama si Ion.
Tuwing aayain niya ako ay doon lang kami nag pupunta dahil hindi ako pwedeng gumala, baka may makakilala sa akin at isumbong ako kela mommy.
At sa tuwing aalis naman ako ay sisiguraduhin kong wala silang dalawa sa bahay. Sa mga kasama ko naman sa bahay sila manong at manang ay tahimik lang din.
Hindi lang ako sure.
"Saan naman tayo ngayon?"
Isang linggo bago matapos ang bakasyon ay nag-aya ulit si Ion, pero this time hindi na sa mansion ni Auntie Es.
Kasalukuyan kaming bumabyahe papunta sa hindi ko alam na lugar.
"Secret"
Hindi na lang ako ulit nagtanong pa para makapag- focus siya sa pagdri-drive.
Huminto kami sa paanan nang isang burol. Mag hiking kami?
Nilabas niya ang isang basket, halatang handang-handa siya sa araw na ito.
"Let's go?" Aya nito.
Ilang minuto lang ang inubos namin para maakyat ang burol.
May malaking puno ng manggang nakatayo sa taas nito, kapag sumilip ka naman sa dulo nito na isang bangin ay makikita mo ang mga bahay sa maliit nitong anyo.
Pinabayaan niya akong tignan iyon. Sumalubong sa akin ang hangin na naging dahilan kung bakit sumabog ang buhok ko.
Ibinuka ko ang dalawang kamay na parang lilipad sabay dama ng simoy ng hangin. Tanaw din dito ang palubog na haring araw.
Ang ganda dito!
Nakasama ako sa kanya ngayon kahit hapon na, umalis kasi ang magulang ko umattend sa isang gathering na aabutin ng gabi, at dahil malayo iyon pinili nilang matulog sa isang hotel at bukas na umuwi.
Nang lingunin ko si Ion ay nilalatag na nito ang dalang picnic matt at nilalabas ang mga pagkain na laman ng basket. Meron din siyang dala-dalang mga inumin.
"Ang ganda dito" Sabi ko habang palapit sa kanya.
"Yeah, nung unang araw ko dito sa atin, naglibot ako agad. Nagtanong-tanong ng magandang puntahan sa Bulacan, may isang taong nagturo sa akin nito" Abala din siya sa pag-aayos ng mga pagkain.
"Ilang beses kana nakakapunta dito kung ganon?" I asked.
"Pangalawa pa lang, upo ka"
Inalalayan niya ako habang paupo."Ang bilis ng araw, mag papasukan nanaman" Kabado kong sabi.
Kabado ako dahil ayan na ang college life, parating na konting araw na lang.
"Oo nga, sobrang bilis lalo na pag masaya ka" He smiled at me.
"Masaya ka ba?"
"Sobra" Tinitigan niya ako gamit ang mga mata niyang kumikinang na tila nasa harapan nito ang dahilan ng kasiyahan niya.
"Sa bawat araw na nakakasama kita mas lalo akong sumasaya. Ano bang ginawa mo sa akin?" Ramdam kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.
Kahit ako ay ganon ang nararamdaman.
Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya.
Bumilis ang tibok nang puso ko. Grabe tong lalaki na'to!
Hindi talaga lilipas ang araw na wala siyang salitang ganyan. Salitang mas lalong nag lulunod sa akin mula sa kanya.
"Tanungin mo na ako" I uttered.