Kabanata 11.

1 0 0
                                    

Gift

Ngayon ang huling araw nang foundation day namin. Nilanghap ko ang hanging pang umaga. Nandito na ako sa booth namin at nag-iintay sa mga kaklase.

Kahapon ay tumulong ako sa pag-assist sa mga nag papalista. Maghapon iyon kaya naging abala ako.

Pauwi ay naabutan ko nanaman ang pag sabay ni Rose kay Ion. Natanaw ko din ang driver ni Rose na nag-iintay sa kanya.

Anong ginagawa mo Rose? Nandyan ang driver mo para ihatid ka pero bakit sumasabay ka pa din kay Ion?

Sa araw na ito ay kasama ako sa mga mag gigitara. Hindi din nagtagal ay nagstart na ang huling araw nang foundation day namin.

Hanggang four nang hapon lang kami sa araw na ito. Ang natitirang oras ay para sa announcement ng  winners kung sinong booth ang marami ang kinita.

"Tulip kayo na ni Rixton ang kumanta ng unang request. Okay lang ba kung kumanta ka din Tulip? Duet kasi yung kanta" Jane requested.

"Bakit ako?" Tanong ko.

Wala ako sa mood kumanta ngayon. Lalo na't sinabi na hindi tagalong ang kakantahin.

"Sige na pumayag kana Tulip"

"Tagalog songs lang ang kinakanta ko Jane" Kinamot ko ang ulo dahil sa hiya.

"Ay nako mars pumayag kana. Try mo lang support ako sayo!" Tinaas pa ni Bea ang dalawa niyang kamay.

Napipilitan akong umakyat ng stage bitbit ang gitara ko. Nakasunod naman sa akin si Rixton.

"Kaya mo yan!" Rixton cheered me up.

Nang nakapwesto na kami parehas ay sinimulan ko na ang pagtipa.

"This song is dedicated to you my love! Kahit sino mang humadlang sa ating dalawa asahan mong hindi ko alam ang salitang pagsuko. Simula ng nakilala kita hindi ko na alam pa ang salitang iyon. I love you so much and there's no one in this world that can make me stop loving you!"

Nang marinig iyon ng audience ay kinilig ang mga ito. Nakaka-antig nga naman ng puso.

Nag ngitian kami sa isa't isa ni Rixton sign na pwede na siyang magstart. 

Looking in your eyes, I see a paradise
This world that I found is to good to be true
Standing here beside you
Want so much to give you this love in my heart
That I'm feeling for you

Nakahakot ng mga manonood ang paraan ng pagkanta ni Rixton. Isa rin sa campus crush itong lalaki na to.

Katunayan nga ay siya talaga ang pinagkakaguluhan dati bago dumating si Ion. Pero parang wala lang naman sa kanya lahat at wala din siyang pakielam kung nabawasan man ang fans niya ng dumating si Ion.

Mabait at matalinong tao itong si Rixton. Kaklase ko na siya simula palang nung high school ako. Ilang beses ko na din siyang nakasama sa mga groupings pag may activity kami.

Let them say we're crazy
Don't care about that
Baby round in my hand, baby  don't never look back
Let the world around us just fall apart
Baby we can make it if we're heart to heart

Dinama ko ang bawat lyrics ng kanta na para bang inlove ako sa ka-duet.

And we can build this dream together
Standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs of lovers
We'll still have each other
Nothing's gonna stop us,
Nothing's gonna stop us now

Nag eye-to-eye contact kami ni Rixton habang kinakanta namin ang chorus ng kanta.

Nagulat ako ng haplusin ni Rixton ang pisngi ko, akala ko ay saglit lang iyon pero habang kumakanta ay ipinagpatuloy niya pa rin.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon