Kabanata 23.

1 0 0
                                    

Wazz-up and down mga kabigas, babala may matured scenes! Read responsibly!

First

Ilang araw na akong kinukulit ni Ion sa message at tawag. Pero hindi ko iyon pinapansin masakit man ay ganoon ang naging gawain ko sa tatlong araw na lumipas.

Kada araw na lumilipas ay mas sumasama ang loob ko sa kanya. Bakit hanggang message at tawag lang siya sa akin? Bakit hindi niya ako mapuntahan?

Nandito ako ngayon sa Es Garden, tuwing lunch at free time ko dito na ako tumatambay mag-isa.

Si Jane ay may pinagkakaabalahan din nitong mga nakaraang araw.

Dalawang oras ang meron ako bago ang huling subject ko sa hapon.

Nakahiga ako at nakalilim sa ilalim ng acacia. Ipinikit ko ang mata ko habang nagiisip-isip.

Para akong lantang bulaklak, napakalungkot ko at hindi ko man lang makuhang ngumiti kahit isang segundo.

Dumepende na kasi ang bawat ngiti,tawa at saya ko kay Ion. Paano na ang gagawain ko nito?

Napabangon ako bigla ng maalimpungatan mula sa maikling pagkaidlip.

Naramdaman ko lang may nakatingin sa akin kaya nalaman kong naidlip na pala ako.

Tinignan ko muna ang relo ko sa kamay, one and half hour pa ang meron ako.

Nang matapos ay binalingan ko ang taong naramdaman kong nakatingin sa akin kanina na hanggang ngayon ay hindi inaalis ang tingin sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kung sino ito.

Si Ion, ngumiti siya ng bitin ng magtama ang mata namin. Malungkot na ngiti ang ipinapakita niya ngayon sa harap ko.

Wala pa man din ay gusto ko ng sunggaban siya at yakapin. Miss na miss ko na siya.

Tinitigan ko lang siya at ganoon din ang ginawa nito pabalik.

Inilibot ko ang tingin ko sa mukha niyang halos apat na linggo  kong hindi nakita, hindi na ata ang Ion ko ang nasa harapan ko.

Bakas ang pagod at sakit sa mga mata niya, itim na itim din ang ilalim ng kanyang mata tanda na kulang na kulang siya sa tulog.

Bumagsak din ang timbang niya. Ang laki ng ipinagbago niya!

Pero ang puso ko, kilalang-kilala pa din siya.

Naiangat ko ang kamay ko para haplusin siya sa pisngi dahil sa naramdamang awa para sa kanya.

Bakit ganito ang itsura niya? Bukod sa mukhang kulang siya sa tulog ay i-stress din.

Pumutak ang luha sa mata ko ng hindi ko namamalayan.

"Stop crying" Malumanay ang pagkakasabi niya sabay hablot sa akin at baon ng ulo ko sa dibdib niya.

Mas lalo akong naiyak. Namiss ko ang yakap at amoy niya. Miss na miss ko ang kabuan niya.

Napahagulgol ako dahil doon, ng humupa ang pag-iyak ay humiwalay na ako sa yakap niya sabay yuko at kutkut sa kuko ko.

Hindi ko alam ang sasabihin.

"What happen Tulip? Bakit bigla kana lang nakipaghiwalay? Bakit din hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Nasasaktan niyang tanong.

"Nakita kita" Paninimula ko.

"Nakita? Na ano? Kailan?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Nung araw ng presentation namin, pinuntahan kita dahil kabang-kaba na talaga ako. Kailangan kitang makita, ang kaso hindi kita naabutan may early dismissal daw. Sinubukan kitang puntahan sa parking lot, at ayon nakita kong inaalalayan mong sumakay si Rose sa kotse mo" Pagtutuloy ko.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon