Drowning
Maaga akong gumising para maaga ding makapasok. Chineck ko ang aking phone kung may message si Bea.
Meron, pero may isa pang message from unexpected person.
From: Bea Bianca
Kita tayo sa tapat nang gate. See you mars!Pinikit pikit ko ang mata ko para masigurado ko na nakarecieve talaga ako nang message galing kay Ion. Wow ma'heart.
From: Orion Rigel
Good Morning. See you at school.Hanep ngayon lang may naggood morning sa akin. At galing pa kay Ion. Nakakaganda nga naman nang umaga.
Una kong nireplyan si Bea bago si Ion. I replied good morning too and after that I go downstairs to eat my breakfast.
"Good Morning Mom and Dad" I greeted them.
"Wow ganda nang gising nang anak ko ha? Tara kain na" Mommy smiled at me.
Kung pwede ko lang ikwento sa kanila ang dahilan baka mas maging masaya pa ako at baka humandusay pa ako sa kilig sa harap nila walang pagaalinlangan kong ikwekwento.
Pero alam ko namang hindi pwede. Baka paalalahanan lang nila ako ulit tungkol sa aral muna.
Ngiti lang ang naisagot ko kay mommy at nag-umpisa nang kumain.
Nasa tapat na si Bea nang EU pag dating ko.
"Anong plano niyo nang partner mo mars?" I asked Bea.
"Nasa library na si Jane pupuntahan kona lang ngayon. Kayo ba ni Ion?"
Nakamot ko ang ulo ko dahil hindi namin napag-usapan ni Ion kung saan kami magkikita.
"Wala nga kaming napag-usapan. Text kona lang siguro siya at tanungin" Nilabas ko ang cellphone ko at ganon ang ginawa.
"Wow textmate! Edi ikaw na. Ikaw na ang may number ni Ion!" She teased.
"Gusto mo ba nang number niya? Bigay ko sayo! Textmate ka dyan! Kaya lang kami nagtetext dahil partner kami!" I rolled my eyes.
"Sus, dyan nagsisimula ang lahat sa partner partner na yan" Winagayway pa niya ang kanang kamay niya habang nagsasalita.
"Manahimik ka nga andami mong alam. Mag-aral lang hindi"
Hindi din nagtagal ay nagreply si Ion na sa gate na kami magkita dahil malapit na din siya.
"Sakit mo magsalita mars! Magkwento kana lang sa akin para mas marami akong alam? What do you think ha?" Kumindat pa ang luka.
"Hindi ka talaga mananahimik hanggat hindi ka nakakasagap ng chismis ano?" Iiling-iling kong sabi.
Tumango siya at tumawa. Wala naman akong nagawa kung hindi magkwento.
Kwenento ko sa kanya na tanggap konang may nararamdaman ako para kay Ion, pati na rin yung mga moment nila ni Rose na nasaksihan ko.
At nadamay na din sa kwento ko yung pumunta kami sa Es Bloom at pagdeliver nang bulaklak ni Ion sa Flower shop namin.
"Pati nga yung iba naming kasama sa OJT napapansin na din na parang may something sila Rose at Ion." Walang gana kong sabi.
"Ikaw sa tingin mo ba meron?"
"Meron" Malamya kong sagot sa kanya.
"Sa tingin ko wala lang yon" Nagulat ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya at natanong kung bakit niya iyon nasabi.