Magical words
"Osiris Reid Vega, younger brother of Ion-man, the only man" Mapaglarong boses ang mapupuna mula sa kaharap kong lalaking ito.
Inabot niya pa ang kamay sa akin.
Naupo na kaming tatlo pagtapos ng nakakahiyang eksena na iyon.
Nasa single sofa siya na kaharap ng inuupuan namin ni Ion.
Magkapatid pala sila ha! Sa malapitan din ay kita ang paglabas ng dalawang malalim na dimple ni Iris sa pisngi, konting ngiti ay lalabas na ito kaagad.
May dalawang nunal din siya kaliwang bahagi ng kanyang labi.
He has a tattoo in his right arm, it's a wing of angel.
What's the meaning of that?
Napakalakas ng appeal ng lalaking ito sa totoo lang, lagi pang nakangiti. Pero mas bet ko pa din itong katabi kahit anong mangyari.
"Tulip Rama!" Aabutin ko na sana ang kamay niya kaso ay tinapik na ito ni Ion, dahilan kung bakit napahalakhak ang kapatid.
"Triggered part two" He show his two fingers.
Nilingon ko ang katabi ko, bakas sa mukha nito ang inis.
"Shut up will you?"
Mas lalo pang ikinatuwa ni Iris iyon. Tuwang-tuwa naman ata ang isang to.
Tumayo si Ion at inabot sa akin ang kamay niya, nahihiya man kay Iris ay kinuha ko iyon pagkatapos ay tumayo na din.
"Alis na kami" Hindi na namin inintay pa ang sagot nito dahil umalis na kami, hinila niya ako paakyat ng hagdan na ipinagtaka ko.
"Saan tayo pupunta?" I asked.
"Date" He answered.
"Huh?" Saan naman kami mag date dito?
Lumiko kami sa kanan kung saan may mahabang hallway. Huminto kami sa isang pinto.
"May sariling sinehan dito si Auntie, dito na lang tayo. Baka din may makakita sa iyo pag sa mall pa tayo pumunta at isumbong ka sa mommy mo. Ayaw kong mapagalitan ka" He explained before opening the door.
Tama nga naman siya, hindi ko naisip yon ha! Mas mabuti ngang dito na lang kaming dalawa.
Sinalubong kami ng lamig na nang gagaling sa aircon. Okay din dito, para na rin kaming nanonood ng sine sa mall.
Katulad na katulad pero kung pag kukumparahin ay mas malaki ang sinehan sa mall syempre,samantalang sakto lang ang laki nito.
Pula ang kadalasang makikitang kulay sa loob halimbawa na lang ay ang upuan. Limang row ang upuan na lima din kada tao ang pwedeng maupo.
Naupo kami sa unang row. Nagpaalam saglit si Ion, kukuha daw siya ng pwede naming makain habang nanonood.
Trough Night and Day ang napili kong panoodin namin.
Ako ang pinapili niya, dahil na-curious ako sa title ayon ang napagpasyahan kong papanoodin namin.
Nang makabalik ay may dala siyang isang bowl ng popcorn,fries, nachos at drinks.
"Nasaan nga pala si Auntie Es?"
"Sa Es Bloom"
Tinanguan ko lang ang sagot niya, nag-umpisa na kaming manood.
Sa una ay medyo spg ang salita kaya tahimik lang ako, pag nakakatawa ang eksena ay natatawa ako.
Parang ansarap ngang magtravel together. Gusto ko ring maranasan yon kasama si Ion.