Kabanata 2.

1 0 0
                                    

Eyes

"Ayaw ko na mars accounting ata ang magiging cause of death ko"

Halos manlumo kami parehas ni Bea sa dinanas namin sa subject namin ngayon.

Nang natapos kaming maglunch dumating na ang kalbaryo namin sa araw nato.

Ang natitira naming oras pagkatapos nang tanghalian ay naubos sa pag-aanalyze at sa transaction sa subject na Accounting II.

"Buti pa si Ion parang sisiw lang sa kanya lahat! Bat kasi hindi mo i-try magtanong sa kanya kahit minsan. Wag mong pairalin ang kaartehan mo. Ikaw nga ang maswerte dahil magkatabi kayo. Konting bulong lang solve na"

Mahabang litanya ni Bea.

Bat hindi nalang siya ang magtanong? Nahihiya nga ako kay Ion.

Ion na ang nakasanayan naming itawag sa kanya sa mga nagdaang buwan simula nang siya ay nagtransfered.

Kahit sinabi ko ang salitang "naming" hindi din talaga ako madalas makipag-usap sa kanya.

Halos bilang lang ang aming interaksyon. Talagang mabibilang sa kamay.

Ewan koba hindi ko kinakaya pag siya na ang kaharap ko at kausap lagi akong nalulunod sa kanyang mga mata.

Kailan ba ako masasanay sa mga mata niyang kasing lalim nang dagat.

"Alam mo namang naiilang ako diba? Kung gusto mo magpalit tayo nang upuan at saka mo sabihin kung swerte nga bang katabi ang yelong yon"

Sobrang stiff niya. Hindi naman sa pang-aano gusto ko pa sana ng isang katabi na masasabaybayan ang pagiging madaldal ko nang konti.

Katulad ni Bea. Yung makikipagkwentuhan man lang kapag may mga free time.

May sariling mundo si Ion.

Makakausap lang pag tungkol sa eskwelahan.

Kaya naman halos magpatayan ang mga classmate kong babae kapang mayroong groupings.

Nag-uunahan sila para maging kagroup si Ion kaya naman ang nangyayari ay ang prof nalang ang naggrogroup.

Wala namang kibo si Ion kahit sino ang maging kagroup niya.

Ang swerte ko dahil kahit kailan hindi kopa siya nagiging kagrupo.

"Kung pwede lang bat hindi. Madami tayong girl classmate ang gustong mapunta sa pwesto mo! Isa nako don!"

Napairap lang ako at hindi na sumagot dahil mas hahaba pa ang usapan.

Isa si Ion sa nageexcel sa klase namin siya ngayon ang top one.

Samantalang nagpapalitan naman kami sa pwesto ni Primrose Serrano.

May mga sem na siya ang nasa top two. Minsan ako naman.

Nung wala pa si Ion ay ganon din ang nangyayari samin.

Sa first spot naman kami nagpapalitan.

Marami admirers si Rose sa university dahil sinong hindi maiinlove sa babaeng ito?

Maganda,matalino at karesperespeto ang pinanggalingang pamilya.

Sikat din ang pamilyang Serrano kagaya nang mga Palma.

Kadalasan sa mga babae sa EU ay siya ang ginagawang role model.

Kahit mas ahead saming mga girls siya ang ini-idolo.

Minsan ko na din siyang nakasalamuha at talagang Maria Clara siya nang makabagong panahon.

Lumipas pa ang mga araw na parang isang ihip lang nang hangin.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon