Mental Illness
"I love you too" Nakatalikod na ako at palakad na sana nang marinig ko iyon mula kay Ion.
Naestatwa ako at hindi ko malaman ang susunod na gagawin.
"Comeback to me baby, I'm really sorry for all the pain. Sorry kung wala ako sa tabi mo ng mga oras na kailangan mo ako. Sorry sa kakulangan bilang ama kay Fay at partner mo" Ramdam ko ang bawat sinseridad nang mga salitang iyon.
"Sorry kung naramdaman mong wala kayo sa mga choices ko. Wala lang talaga akong pagpipiliin kagaya mo. Pero this time kayo lagi ang una pangako. Kayo nang anak ko. Mahal na mahal ko kayo na hindi ko na hahayaang maulit pa ang nakaraan" Dagdag niya na mas nakapagpagaan nang loob ko.
Ayos na ako doon, malaman ko lang na kung gaano niya kami kamahal mag-ina ay napakasarap sa pakiramdam.
Humarap ako sa kanya nakaupo na pala siya sa sofa.
Sa paraan nang pagtitig niya ay kitang kita doon ang pagmamahal.
Pagmamahal na para sa akin at kay Fay.
Dinamba ko siya nang yakap, paraan ko iyon para malaman niyang parehas kami nang nararamdaman.
"Comeback to me please" Tinugunan niya ang yakap ko.
"Opo" Siniksik ko ang sarili ko sa kanya.
Hinayaan naman niya ako at inupo sa kandungan niya na parang isang bata. Nagpakasawa ako sa amoy niya.
"I am forgiven?" Hinaplos niya ang buhok ko nang paulit-ulit.
Tumango ako bilang sagot, naadik na ako sa amoy niya. Ang sarap tuloy matulog sa bisig niya.
"Miss me baby? Because I am missing you very much" Pinanggigilan niya ako.
I nodded once again. Napipi na ata ako nang tuluyan.
"Really? Look at me now" He demanded.
Napasunod lang ako sa inutos niya.
Nabigla ako nang bigla niya akong sunggaban nang halik.
Nanlaki ang mga mata ko, samantalang siya ay nakapikit at sinisimsim na ang ang labi ko.
Nang matauhan ay gumanti na ako nang halik, hindi ko alam kung sa paanong paraan ako tumugon.
Mukhang may pagkasabik ata. Pero wala na akong paki. Ganon naman talaga ang nararamdaman ko.
Ang pagkasabik sa kanya.
Inabot kami nang madaling araw dahil sa pagkwekwentuhan na may kasamang harutan.
"Alam mo ba ang unang salita ni Fay ay pa?" Pinag-uusapan namin ang tungkol kay Fay.
"Oh, she loves me more than you" Mayabang niyang saad.
"Hoy! Di yan totoo!" Kontra ko kagaad.
Pinagkasya namin ang sarili namin sa sofa na hindi ko akalaing pwede pala. Sobrang lapit tuloy namin sa isa't isa.
