Kabanata 28.

1 0 0
                                    

Bilisan

Lubog na ang araw ng makauwi kami nang Bulacan, sumakay agad ako ng tricycle kasama si Fay para pumunta sa malapit na mall.

Naupo muna kami ni Fay sa libreng upuan sa loob ng mall.

Kasalukuyan ko ng kinakatikot ang nabili kong cellphone.

Tatlong libo na lang ang natitira kong pera. Sana naman makausap ko agad si Bea, siya na lang ang pag-asa ko.

Nasa tabi ko lang si Fay tahimik. Lumilibot din ang mata niya sa kabuuan ng mall.

First time niyang makapunta dito. Hindi naman siya nangungulit dahil ramdam ko ang takot niya sa mga tao.

Marami kasing tao ngayon, at dahil bago iyon sa paningin niya ay nakasaksak siya ngayon sa gilid ko.

Nang naka-access na ako sa free wifi ng mall ay nagdownload ako agad ng instagram app at nag-dm  kay Bea. Hindi na ako nahirapang hanapin pa ang pangalan niya dahil nagpop-out na iyon sa inbox ko.

I open it.

@BEAutiful

Mars? Asan ka bakit bigla ka na lang nawala at hindi pumasok?

Mars? What happened to you? I am really worried. Dm back if you read this.

Ilan lang yon sa mga message niya sa akin nang bigla na lang akong nawala, ito yung panahon na umuwi na ako ng Baguio.

Hey mars! Alam kong ngayon ang kabuwanan mo. I prayed for your safe delivery. Keep safe okay? I love you!

Namasa-masa ang mata ko nang mabasa iyon.

Hindi ko na tatanungin o aalamin pa kung nasaan ka mars. Basta lagi kang mag-iingat okay? Pati ang baby mo. Hoping magkita pa tayo.

Yon ang last dm niya sa akin. Ilang buwan lang ang nakakalipas, pagkabasa ng lahat nang iyon ay parang may hamaplos sa puso ko. May kaibigan talaga tayong pang habang buhay.

Nakita ko na active now siya ngayon na ipinagpasalamat ko.

Mars, kailangan ko ng tulong mo. Alam kong napakapal nang mukha ko ngayon. Nawala ako bigla at ngayon eto ako nag me-message sayo dahil kailangan ko ng tulong. Magpapaliwanag ako promise! But for now, pwede ba kaming makipagkita sayo?

I sent my message and wait for her reply.

Akala ko ay matatagalan pa bago niya iyon ma-seen pero nagkamali ako. Agad-agad ay nagreply siya.

@BEAutiful

Send me the location. I'm on my way.

Halos maiyak na ako ng mabasa ang reply niya, walang pag dadalawang isip kong sinabi kung nasan kami. Hindi din nagtagal ay dumating siya.

"Mars!" Napatayo ako nang marinig ang boses niyang iyon. Tumatakbo siya palapit sa amin.

Habang naglalakad siya palapit ay napansin ko ang pagbabago sa kanya. Humubog nang husto ang katawan niya, short hair na rin sya at kulot iyon.

Nung huli naming pagkikita ay kulay ash gray iyon. Ngayon ay kulay green na.

Dinamba niya ako ng yakap nang makalapit sa akin.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon