Say sorry
"Ang sabi ko ay masyado kang papansin kay Ion! Nahahati tuloy ang atensyon niya na dapat sa akin lang!" Sigaw niya habang nag yuyupos sa galit.
Natatawa akong tumingin sa kanya hindi makapaniwala sa inaasal at sinasabi niya.
"Ako pa ang papansin? Anong tawag sa ginagawa mo Rose?" I sarcastically asked.
Ako pa talaga ang papansin? Nakakahiya naman pala sa kanya.
Tahimik lang sa tabi ko si Bea habang nakikinig sa aming dalawa ni Rose.
"Wala kang paki kung ano man ang ginagawa ko! Basta ang gusto ko tigilan mo si Ion! Tigilan mo siya!" She shouted.
"Kung ganon ay wag mo din akong pakialamanan. Kung pinakikielamanan kita ay sana sinabi ko na ang mga pag sisinungaling mo tungkol sa sira niyong kotse. Gusto mo si Ion? Bakit gusto ka ba niya?" Hindi nawawala ang pagiging sarkisto ko.
Pistilan na babaeng ito. Maka-angkin kay Ion akala mong kanya! Sampalin ko to ng matauhan e!
Natigilan siya sa tanong ko at ng makabawi saka palang nakasagot.
"Subukan mo lang sabihin kay Ion yon siguradong makakatikim ka sa akin! Wag mo akong subukan, may pagkakaintindihan kami ni Ion na kaming dalawa lang ang nakakaalam! Kaya kahit hindi niya sabihin, ramdam ko dahil ipinaramdam niyang parehas kami ng nararamdam para sa isa't isa! So it's better for you to back off Tulip!" Nag mamalaki niyang sabi.
Ako naman ang natigilan sa sinabi niya pero hindi ako natakot sa pagbanbanta niya.
So nasa ganong stage na pala sila? Mutual understanding ha? Totoo ba ito? Kaya ba hindi siya matanggihan ni Ion at madalas silang magkasama?
Nakaramdam ako nang konting kirot sa puso ko pero hindi ko iyon ipinakita sa kanya.
Hindi ako magpapatalo. Tutal sa salitaan at pakikipagtalo ko na lang naman maibabato ang nararamdaman kong ito.
"Wews nakakatakot naman pala. Makakatikim? Bakit hindi natin subukan. At baka naman ikaw lang ang nakakaalam niyang pagkakaintindihan niyo nayan ha?" Nang-aasar kong tanong na ikinalukot ng mukha niya, na parang konting salita ko pa ay masasampal niya na ako.
Sampalin niya! Hindi ako natatakot.
Ilang saglit lang ay nagbago ang reakayon nito, para na siyang paiyak na hindi mawari.
Ibang-iba ka talaga sa Rose na kilala ko.
"A-anong tingin mo sakin ambisyosa?" Nanginginig sa galit na tanong nito.
Kanina lang ay para na siyang iiyak tapos ngayong ay galit na?
"Sayo na nang galing yan ha? Tara na Bea gusto ko na kasing mag picture at mag papansin kay Ion. Para maibulong ko na din ang kasinungalingan ng isa diyan" Pag paparinig ko.
Hindi ako nag patinig sa galit niya. Ano namang paki ko?
Nang nalagpasan na namin siya ni Bea ay hinila niya ako pabalik upang iharap sa kanya.
Hinawakan niya ang braso ko ng sobrang diin na naging rason kung bakit bumaon ang ilang kuko niya sa balat ko.
Nasaktan ako kaya binawi ko yon sa malakas na paraan, na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang balensa at malakas na pagsaldak sa sahig.
"Aray" Sigaw nito habang hawak ang balakang.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil halata sa mukha niya na sobra siyang nasaktan sa pagkasaldak niya.
"Kasalanan mo to!" She said while giving me a death glared.
"Huh? Kasalanan ko pa talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.