Azalea Fay
Hindi naging madali ang pagbubuntis ko. Lalo na ng buwan nang paglilihi ko.
Naiwan ako dito sa Baguio kasama ang mga tauhan namin. Isa doon ang private nurse ko.
Pagkacremate kasi kay lola ay bumalik na agad nang Bulacan sila mommy.
Alam kong ayaw nila na makasama pa ako sa iisang bubong.
Kaya namumuhay akong mag-isa. Pinaalala pa nila sa akin na pagkapanganak ko ay aalis na ako sa rest house namin.
"Kailangan mong matikman ang mamuhay mag-isa. Baka sakaling pagsisihan mo ang kalandiang ginawa mo. Pero kahit magsisisi ka ay wala ng silbi iyon, binigo mo na kame. Tandaan mong ikaw ang pumili niyan, face the consequences of your actions" Huling linya nang daddy ko bago ako iwang mag-isa sa bahay na ito.
Minsan ay iiyak na lang ako dahil sa kagustuhan kong makita si Ion. Gusto kong makita ang buong mukha niya, nasasabik ako sa kanya.
Alam kong parte iyon nang paglilihi ko. Ngunit wala akong magagawa bukod sa umiyak na lamang dahil kulong na ako sa bahay na ito.
Mabuti na nga lang at maganda ang lugar na ito. Nakakabawas depresyon sa akin.
Iniiwasan ko din iyon dahil sa payo nang private doctors na nag momonthly check up sa akin.
Dinugo kasi ako nung nasa pangalawang buwan ko nang pagbubuntis, dahil sa sa stress na nararamdaman.
Kaya tuwing makakaramdam ako ng lungkot ay pupunta ako sa kwarto ni lola. Nandoon din kasi ang abo niya, kinakausap ko iyon madalas. Kagaya ngayong araw.
"Kabuwanan ko na lola!" Masigla Kong pagkwekwento yakap-yakap ang picture niya.
"Sana po andito kayo lola, kahit kayo na lang po" Muli kong pagsasalita.
Bawat araw at buwan na dumaan sa akin ay humahanap ako ng mga rason para magpatuloy. Para sa akin at sa baby ko.
Dahil alam ko darating din ang araw na muli akong makakabangon.
"Ayoko na doc!" Hiyaw ko.
Ngayon ang araw nang paglabas ng baby girl ko. Napaaga nang ilang araw mula sa due date na ibinigay sa akin.
"Konti pa Tulip, kaya mo yan" He motivates me.
Bumwelo ako at sabay ire sa abot ng aking makakaya.
"Eto na ang baby girl mo" Itinabi sa akin ng private nurse ang anak ko pagkatapos itong maputulan ng pusod at malinisan.
Kahit nanghihina ay nilingon ko ang anak ko.
"Azalea Fay" Nakangiti kong tawag sa anak ko kasabay nang pagpatak nang mga luha ko.
Ramdam ko ang saya ng puso ko nang makita ang mukha nang anak ko. Mamula mula at maga pa ito.
Makapal ang kanyang buhok, sa ngayon ay hindi ko pa alam kung sino ang mas kamukha niya sa amin ni Ion.
Pero siya na ang pinakamagandang baby na nakita ko.
Kahit ramdam ko ang pagod at kawalan nang lakas ay hindi ako agad nakatulog.
Nagawa ko pa siyang matignan nang matagal habang lumuluha.
Ang anghel ko. Iingatan ka ni mama anak! Wala pwedeng manakit sayo. Proprotektahan kita sa lahat!
Kung sakali kayang nandito si Ion anong mararamdaman niya? Masayang masaya rin kaya siya katulad ko?
Mas lalo akong naluha nang maisip ang mga yon. Sana nandito ka.