Eleven
"Hindi ba kayo lalabas at pupunta nang canteen para magbreak-time?"
"Hindi napo busog po kami" I answered.
It's already 10:30 in the morning. Gantong oras ang break time namin sa umaga at 3:30 naman sa hapon. 30 minutes ang break time na ibinigay nila sa amin ganon din kasi ang sa mga empleyado nang Toyota.
After 30 minutes syempre balik na sa mga gawain.
"Sige kayo bahala ako din hindi na, busog din ako" Mrs. Gonzales said.
"We? Ikaw nabusog? Bago yan ha!" Pang-aalaska ni Mr. Cruz.
Nagtawanan kaming apat dahil don. Sanay na kami sa ugali ni sir na palabiro.
Hindi man halata sa kanya pag-unang kita pero pag mga ilang araw mo nang nakasama doon na lumalabas ang kahuratan ni sir. Syempre pag seryosong bagay naman ay serious siya.
Parehong pamilyado si Mrs. Gonzales at Mr. Cruz.
Close lang sila dahil sila ang magkasama sa iisang place which is kung san kami naka-asign ni Ion.
And speaking of Ion dalawang araw na ang nakakalipas simula nang maging friends kami. So far okay naman.
Pag break time kaming dalawa lang ang sabay dahil yung mga kasama namin ay bibihira lang magbreak-time. Pero pag lunch sabay sabay pa rin kaming lahat.
May mga times na nagkwekwentuhan kami about sa school or personal life namin. Medyo ilang pa din ako nang konti sa kanya pero improvement naman siguro yung nakakatingin ako sa mga mata niya kahit ilang segundo lang.
Improvement na iyon para sa akin dahil dati ay iwas na iwas talaga ko sa mga mata niya.
Ewan kolang kung pansin niyang naiilang pa rin ako nang konti sa kanya siya kasi parang okay na okay lang siya pag dating sa pakikipag-usap sa akin which is good.
Nakakainip din at nakakaantok kasi pag wala man lang kausap at nakatutok lang sa computer para mag encode.
"Tsk wag ka nga nabubusog din ako ano! Anong akala mo sa akin?" Masungit nitong sagot kay sir.
Tinawanan lang siya nito at kami ang hinarap ni Ion.
"Kayo bang dalawa ay may mga jowa?" Pagpapalit ni Sir nang usapan.
"Wala po sir" Sagot ko at umiling naman si Ion bilang sagot.
"Wala? Sa ganda at gwapo niyong yan? O baka naman kayo ang nagliligawan?" Mapanuksong sabi nito.
Nanlaki nang super duper ang mata ko sa narinig.
"Nako sir hindi po!" Napihayaw ako nang wala sa oras at nakakahiya ako sa part na yon.
Mas lalo lang akong nahiya nang pagtawanan nila akong tatlo sinamaan ko nang tingin si Ion bakit nakikitawa to? Epal lang? Irap ka sakin.
"Aba't may paghiyaw. Grabe ka naman makatanggi Tulip. Hindi ka man lang ba nagwagwapuhan dito kay Ion?"
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mr. Cruz tinignan ko si Ion at parang nag-iintay din sa sagot ko.
"Hmm? Speechless. Ganto nalang irate mona lang ang kagwapuhan ni Ion. 1 is the lowest and 10 is the highest" Mr.Cruz added.
Ano nga ba? Should I give him the highest score? Hindi kaya akalain niyang crush ko siya dahil don? At bakit niya naman iisipin yon? Porket nagwagwapuhan crush na agad?
"Wait dapat si Ion ang unang tanungin nang ganyan! Tutal siya naman ang lalaki. Ion sa 1-10 gano kaganda si Tulip sayo?"
Mabuti nalang hindi lang ako ang babae dito. Tama si Mrs. Gonzales mauna si Ion bago ako. Ako naman ngayon ang tumingin kay Ion.
