Tama na
"How's life?" Auntie Es.
"Ayos lang po"
Kasalukuyan kaming nagta-tanghalian.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga salitang binitawan ni Ion.
Hindi na ako nakasagot sa kanya hanggang pumasok na lang ang anak naming dalawa.
Panay ang kwento niya kanina sa akin kung gaano siya katuwa sa pinuntahan nila nang Lola Es niya.
"That's good. How about your relationship with your parents?"
"Simula po nang iwan nila ako sa Baguio, yon napo ang huli naming pagkikita" Pormal kong tugon.
"What? Sino ang tumulong sayo nung nanganak at inaalagaan mo si Fay?" Kumunot ang noo ni Auntie.
Bago ko yon sagutan ay nilingon ko muna ang anak ko.
Hindi na nawala ang ngiti niya sa labi. Masaya ako dahil masaya na siya.
"Kasambahay po namin"
"Isn't it hard?" May simpatya niya nang tanong.
"Kinaya naman po" I smiled at her.
"Lola!" Isang pamilyar na bata ang lumipat kay Auntie Es.
Saan ko nga ito nakita?
"Rosen!" Tawag ni Ion sa bata.
Itong batang ito yung kaagawan ni Fay sa laruan!
"Daddy" Lumapit ang bata kay Ion at dinamba siya nang yakap.
"Who's with you?"
"Me" Rose interrupt.
Here we go, the scene I've been imagining in my mind.
"Daddy, you promised na you will bring me to the mall remember? Magaling na po ako!" Masiglang sabi ni Rosen.
"Yes pupunta tayo"
Nakaramdam ako na parang hindi kami dapat naritong mag-ina.
Nagtagpo ang tingin namin ni Rose ng umupo siya sa upuan sa harap ko.
The way she looking at me, just like it's a slapped to me that we don't belong here.
Natahimik kaming nasa mesa. Si Auntie Es nagmamasid lang.
"Mama" Fay called me.
"Bakit anak?" Nang balingan ko siya ay halatang pati siya ay nakakaramdam na ng hindi kami dapat nandito.
"Sama po natin si Mommy?" Muling salita ni Rosen.
"Of course" Sagot ni Rose sa anak.
Ganon natapos ang usapan. Natahimik na ang lahat.
Sa katahimikan ay nakapagisip-isip ako.
Kailangan kong bumalik sa apartment para makausap man lang ang mga kasama ko doon.
"Nako ako napo" Natapos kaming mananghalian.
Pinipigilan akong tumulong nang kasambahay pero tumanggi ako, nakakahiya naman kasi.
Wala ang mga bata kasama ni Ion, si Auntie ay umalis. Samantalang si Rose ay hindi ko alam kung nasaan.
"Bakit kayo nandito nang anak mo?" Here she is, the devil who's not holding a fitch fork.
Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy ako sa pagpupunas nang lamase.
Kami na lang dalawa ang tao dahil inumpisahan ng mag hugas nang plato ng kasambahay.