Drown Together
Kinabukasan ng hapon ay hindi na ako mapakali.
Nagpaalam ako kay mommy kanina, sinabing magkikita kami ngayong araw ni Bea.
Nagsinungaling ako dahil naalala ko yung huli kong paalam. Hindi niya ako pinayagan dahil si Ion ang kasama.
Nagawa ko nang mag sinungaling dahil mamatay ako sa curiosity pag hindi ko nalaman ang tungkol sa pabor na iyon.
Una ay ayaw pa ni mommy dahil sa kalagayan ko, pero pinilit ko na kaya ko naman kaya wala rin siyang nagawa. Basta mag-iingat lang daw ako.
Kanina din ay gusto pang kausapin ni mommy ang magulang ni Rose tungkol sa kaganapan kahapon, sinabi ko na lang na wag ng palakihin pa.
Nang dahil sa pilay sa kamay ay simpleng dress na kulay cream ang suot ko. Sleeveless type ito para madaling isuot.
May pasok sila mommy kaya hindi nila makikita kung sino ang susundo sa akin. Ala una na ng hapon ng makarinig ako ng busina sa tapat ng bahay namin.
Nagpaalam lang ako kay manang at lumabas na.
Kinawayan ko si Ion ng nakalabas ako. Nakapamulsa siya at nakasandal sa puting Sedan niya.
Habang papalapit ay nilibot nito ang paningin sa kabuuan ko.
Nabalik lang ang tingin niya sa mukha ko ng huminto na ako sa harapan niya.
"You look perfect" He smiled at me.
"Thanks" Namula ng todo ang mukha ko dahil doon.
Pinagbuksan niya ako ng pinto papasok ng kotse pagkatapos ay umikot para siya naman ang makasakay.
"Kumusta yang kamay mo? Kumikirot pa ba?" Malayo-layo na din ang biyahe namin ng sinimulan niya muli akong kausapin.
"Hindi naman na. May iniinom kasi akong gamot" I answered.
Nakarating kami ng Es Bloom ng payapa.
"Nagkita kami ng papa ni Rose dito sa Es Bloom. Noong araw ng anniversary nito." Nakaupo kami parehas sa swing sa mini park dito sa loob ng Es Bloom.
Nakatitig lang ako sa mga bulaklak na nakikita ko kasabay ng pakikinig sa kanya.
"Nakuha ng papa niya atensyon ko dahil pareho kami nang interes sa business lines. Kilala ang papa ni Rose bilang isang matagumpay na businessman dito sa Bulacan. Inform ka naman na Business Ad ang kukuhain ko sa college diba?" He continued. I nodded.
"Naisip ko na madami akong makukuhang impormasyon tungkol sa kanya. Gusto ko kasing mas palaguin pa ang mga business ni Auntie Es. Plinaplano niya kasing ipamana sa akin lahat iyon. Kaya naman sinisigurado ko lang na, pag ako na ang may hawak ng pinaghirapan niyang negosyo, hindi ko siya mabibigo. Kaya naman buong party kaming nag kwekwentuhan ng papa ni Rose, mabait at willing itong ishare ang lahat ng knowledge niya kaya naman mas napanatag ang loob ko" He added.
Napalingon ako dahil doon. Naantig ang puso ko dahil wala pa man din sa kamay niya ang mga business ni Auntie Es ay pinahahalagahan niya na ito.
Plinaplano na kung paano mananatiling maayos ang lagay nito.
"Kung ganon ay ano ang pabor na sinasabi mo?" I asked.
"Nang gabing ding iyon ay nanghingi siya ng pabor tungkol kay Rose. May sakit kasi ito na wala ako sa posisyon para sabihin sa iyo. Basta may sakit siya na kailangang i-monitor ng magulang niya. Tutal naman ay kaklase ko ang anak niya, kaya pinakiusap niya na sa akin iyon. Hindi na ako nakatanggi bilang kapalit ng mga bagay na pwede niyang maitulong sa akin" He added.