Tell me
"Kumusta yang sugat mo mars? Ginamot mo na ba?"
Kasalukuyan kaming nag lalakad ni Bea papunta ng room namin. Tinanguan ka lang ang tanong niya.
Isang major at tatlong minor subject ang kukuhain namin ngayong huling araw ng final exam.
Nakarating kami ng room na hindi na nasundan pa ng pag-uusap.
Hindi naiwasan ng tingin ko si Ion dahil mag katabi lang naman kami ng upuan. Nagsalubong ang tingin namin.
Naiwas ko din yon ng nakaupo na ako.
"Good Morning" He greeted.
Parang wala naman akong narinig dahil kinuha ko ang reviewer ko at nag-umpisa sa pag babasa at pag intindi sa mga isinulat ko doon.
Meron pa kasing sampung minuto bago mag-umpisa ang exam. Kaya naman hindi ko planong sayangin lang kay Ion ang minutong iyon.
"Are you hungry? I have sandwich here" He talked again.
"No thanks" Kaswal kong tanggi pero hindi pa rin siya tinitignan.
"Okay. Later then? Sabay tayong mag lunch may treat"
"No thanks"
"Maaga ang uwi natin mamaya. You want to go somewhere?" Pangungulit nito.
Nilingon ko siya at pinakita ang kaayawan sa mga pinagsasabi at gusto niyang mangyari.
"Pwede ba? Napag-usapan na natin ito at hindi ko na uulitin pa. Atsaka bulag ka ba? Nagrereview ako oh? Kaya tumahimik ka pwede?" Inis kong sabi at winagayway pa ang hawak kong papel sa harap niya.
"Sinabi ko ng hindi ko magagawang layuan at tigilan ka. And sorry, continue reviewing your notes" He said sadly.
I rolled my eyes not minding what's he said. I don't care. Wala nang talab sa akin ang mga salita na yan.
Nagpatuloy ang oras na hindi napagod si Ion sa pag suggest ng mga bagay na pwede naming gawin ng magkasama.
Umabot ito hanggang sa mag-umpisa ang practice namin ng graduation.
It's friday. Apat na araw na akong inaalok ni Ion ng kung ano-anong bagay na lagi kong tinatanggihan simula sa pagkain, paggala, tulong at kung ano ano pa.
Nakabalik na din kahapon si Rose at kumuha ng exam kaya ngayong araw ay kasama na siya sa practice.
Tuwing nasa paligid ko si Ion ay siguradong makikita ko din sa paligid ko si Rose kaya naman inihahanda ko na ang sarili ko simula palang ngayong umaga.
Hinahanda ko na ang sarili ko sa panibagong pakikipag-batuhan ng salita kung sakaling gumawa nanaman ng eksena ang mangku.
Hindi ako mag papatalo sa kanya.
"Balita ko ay kasama na si Rose sa practice ngayong araw?" Kararating lang namin dito sa loob nang gym.
Naupo muna kami ni Bea nag-iintay mag-umpisa ang morning practice.
Sa umagay tatlong beses ang practice, sa hapon naman ay isa na lang kaya maaga ang uwian alas dos lang.
Marami kaming Grade 12 lahat kasi ng strand ay nandito sa EU. ABM, GAS, HUMSS, Tech-Voc (HE and ICT) and STEM.
Kada strand ay may tatlong section kaya naman napakatagal ng proseso, nakakangawit dahil matagal ang oras nang pagupo.
Mabuti at alphabetical kaya una kaming ABM.
"Sabi nga" Walang interes kong sagot habang nakatingin sa pinto ng gym tinitignan ang mga pumasok.
Madami kaming may award. Nasa sampu kaming nakakuha ng with honors kasama na ako at si Rose, yung iba ay galing na sa ibang strand.
