Kabanata 24.

1 0 0
                                    

Pissed

Akala ko ay tuloy-tuloy na ang kasiyahang nararamdaman ko, doon ako nagkamali.

Kalagitnaan ng sa pangalawang taon namin sa kolehiyo ay nakatanggap kami ng tawag mula sa kasambahay na kasama ni lola sa Baguio.

Inatake sa puso si lola at isinugod sa hospital.

Mabuti na nga lang daw ay naisugod agad. Labis na pag-aalala ang naramdaman ko dahil alam kong muntik na siyang kuhain sa amin nang taas.

Matanda na ang lola, kaya naman mas lalo iyon nag padagdag alala sakin.

Napaiyak na lang ko ng hindi makasama kela mommy nang puntahan nila si lola.

Isang linggo silang mananatili doon, kakausapin at pakikiusapan nila ito na dito na lang sa amin tumira para mas mapagtuunan siya ng pansin.

Sana ay pumayag ang lola.

Hindi ako nakasama kahit gustong-gusto kong sumama, tambak kasi ang gagawin ko. Nanlumo tuloy ako.

"Wag ka ng malungkot, magiging okay lang ang lola mo. Gusto mo tulungan kita?" Alo sa akin ni Ion.

Nandito kami ngayon sa Es Garden. Dahil wala ako sa wisyo ay siya na ang nagpatuloy nang ginagawa ko.

"Pwede ba akong matulog sa inyo?" I speaked.

Nagulat siya sa tanong ko at napamaang.

"What?"

"Ayaw ko sa bahay, mag-isa lang ako" I sadly said.

"Sa akin okay lang, pero alam mong hindi ka papayagan ng magulang mo Tulip" Alanganin niyang sabi.

"Magpapaalam naman ako"

Nakumibinsi ko siya dahil pumayag na din ang magulang ko. Kaya nga lang ang alam nila kela Bea ako makikitulog.

Sobrang sama kong kaibigan, lagi na lang nadadamay ang pangalan ni Bea sa mga kasinungalingan ko.

Sorry Bea, panghihingi ko ng tawad sa isip ko.

Sa totoo lang ay ayaw kong mag-isa ngayon. Nalulungkot ako ng sobra at patong-patong pa ang gawain, baka ikabaliw ko iyon nang wala sa oras.

Nasa biyahe na kami pauwe kela Ion, kagagaling lang namin sa bahay para kumuha ng mga damit at ibang essentials na gagamitin ko sa limang araw kong pananatili sa kanila.

Wala ang Auntie Es niya dahil may business trip ito sa Canada. Pero sinigurado niya sa aking ipinaalam niya ang pananatili ko sa mansyon sa mga susunod na araw.

"Dito ang guests room" Iginaya ako ni Ion kung saan ang magiging kwarto ko panandalian.

Isang pinto ang pagitan naming dalawa, batid kong si Iris ang nagmamay-ari nang kwarto sa likod ng pintong iyon.

Iniwan niya muna ako saglit para maayos ko ang mga gamit para din maumpisahan ang mga kailangan ko pang gawin.

"Kumusta si lola?" Nag-aalala kong tanong, kausap ko ngayon ang mommy.

"Under observation pa siya anak" Mommy replied.

"Sana talaga sumama na lang ako"

"No anak, kayang-kaya na namin to nang daddy mo. Sige na, magpahinga kana. Mag-iingat ka diyan kela Bea okay?" Mommy ended the call.

Napaupo ako sa kama ng silid na ito pagkatapos ng usapang iyon. Nakapajama at black sando na ako, handa na sa pagtulog.

Hindi na ako inabala pa ulit ni Ion, dahil alam niyang madami akong gagawin.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon