Kabanata 18.

1 0 0
                                    

Path

"Tulip naman bakit nagpuyat ka kagabe? Tignan mo ngayon yang eye bags mo! Graduation mo pa naman din!"

Hindi na lang ako sumagot kay mommy at niyuko ang ulo. Baka kasi pag sinabi ko ang dahilan mas lalo siyang magalit.

"Nako madam, ikalma mo ang sarili mo. Kayang kaya kong gawan ng paraan yan!"

Nandito kami ngayong sa kwarto ko at kasalukuyan akong ina-ayusan ng make-up artist ni mommy na si Cha.

"Ikaw na ang bahala sa batang pasaway na yan!" Lumabas na ng kwarto si mommy.

Mas nauna pa kasi siyang ayusan kesa sa akin. Ganon siya ka-excited.

10 pa ang start ng program kaya may tatlong oras pa kaming natitira para mag handa.

Hinayaan ko na si Cha sa mukha ko dahil alam niya na ang dapat gawin doon.

Siya naman kasi palagi ang nag-aayos sa akin tuwing may mga ganito, okay na okay ako sa ayos na ginagawa niya sa akin, hindi ganong makapal ang make-up na parang sasali na sa isang pageant.

Mas prefer ko yung simple lang.

From: Orion Rigel

Wag masyadong magpaganda. Baka mas lalong dumami mga kaagaw ko.

Simula din kanina ay magka-text na kami ni Ion.

Nagpapasalamat na lang ako na hindi niya na binanggit ang nangyari kagabe, dahil sobra-sobra ang hiya ko sa pangyayari g iyon.

To: Orion Rigel
C

he

Yon na lang ang na reply ko. Banat ng banat, banatan ko to e.

Ang arte Tulip, kung wala nga lang sa harap mo si Cha ay baka maging aso ka nanaman at kagat-kagatin ang unan mo dahil sa kili!

From: Orion Rigel

Cheken keleng

Humalagakpak ako ng tawa ng mabasa ang reply niya.

"Ang happy mo naman sis, wag kang malikot, baka pumanget ka" Cha said.

Pinigilan ko ang pagtawa ulit pumirmi nalang para hindi kami matagalan ni Cha.

Saan natutunan ni Ion yon? Ang cute niya sa totoo lang.

From: Orion Rigel

Hey that's not me, iniwan ko lang saglit ang phone ko para mag-cr then nakita ko ng may reply. It's Iris.

Nawala ang saya ko dahil doon. Iris? Sino yon? Hindi ko na nakuhang magreply pa.

Nakaramdam ako ng konting inis, kaya hanggang biyahe papunta sa EU ay tahimik ako.

Dumiretso kami nila mommy sa gym, bumungad sa amin ang napakaraming estudyanteng suot ang pulang toga namin kasama ang kani-kanilang parents.

Nakita ko si Bea at kinawayan. Lumapit siya kasama ang parents niya kaya nag batian kami.

Close din ang magulang naming dalawa dahil magkaklase nung college ang daddy namin.

Nang may magsalita sa mic na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang graduation, mupo na kami sa naka-assign na chair sa amin.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon