Wakas.

2 0 0
                                    

Thank you for reaching this part, lovelots mga bigas! =)

"P-pwede ko ba siyang b-buhatin?" Utal at alanganin kong tanong.

Eto na yon Ion! Eto na ang anak mo.

Hinagkan ko siya at mas domoble ang ginhawang naramdaman ko.

Sila lang ng mama niya ang makakapagparamdam sa akin ng ganon.

Sa mga nagdaang taon ay pinipilit kong bumangon sa araw-araw, humahanap ng mga rason para magpatuloy.

Trabaho ang siya naging takbuhan ko pag kinakain na ako ng lungkot, kung hindi nga lang nakakamatay ang pagtratrabaho ng bente kuwatro oras ay gagawin ko.

"Mahirap ba?"

Ramdam ko muli ang lungkot habang pinpanood si Fay na mahimbing na natutulog sa kama.

Naisip ko, paanong nakayanang lahat mag-isa ni Tulip ang pagpapalaki sa anak namin.

"Ang alin?" She asked curiously.

Sigurado akong nahirapan siya dahil first time niya iyon, na dapat nandon ako nakaagapay sa kanya.

Pero anong ginawa ko? Wala!

Habang puro reklamo ako sa mga gawain ko sa school at trabaho siya ay nag-iisang tinataguyon si Fay.

Napaka walang kwenta kong tao!

I bend my knees, wala na hindi ko na nakayanan sumabog na ang emosyon ko ng tuluyan.

"I-m really sorry" I sobbed.

Napuno nang hikbi naming dalawa ang kwarto.

"I-f I could turn back time, if I could"

I regret it all, sobrang sakit, pero hindi naman namin hawak ang mga bagay bagay sa mundo.

Ilang beses ko bang hihilingin na sana...

Sana hindi ganto ang nangyari, na sana hindi ganito kasakit.

"Sana nandon ako, sana nandon ako sa mga oras na kailangan mo ako"

Walang katapusang sana.

"Ayos lang, nakaya ko naman" She assured me but I refuse to accept that!

"Pero.." Nilamon na nang pag-iyak ang boses ko. Sana ay malinaw niya paring maintindihan ang mga nais kong sabihin. "mas dadali sayo ang lahat kung nadoon ako para umalalay sayo"

Pinaklma ko ang sarili ko, tama na Ion.

Ang mahalaga meron kang mga susunod na araw pa para bumawi, binigyan pa rin ako ng nasa taas ng pagkakataong bumawi sa lahat.

"H-hayaan mo akong makabawi Tulip, hayaan mo akong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko" I have now the chance to at least lessen the pain and regrets I had in the past years.

I have my lifetime to spend with them.

"Mama!"

Nagising ako ng isang malakas na hiyaw na iyon.

Nakita ko ang anak ko malayo ang distansya sa akin at nang makita ang kanyang mama ay tumakbo ito sabay tago sa likuran.

Kita ko mula dito sa kinauupuan ko na sinisilip niya ako.

Hi baby, ako ang dadddy mo, sa isip ko.

Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Tulip hindi alam kung ano ang gagawin.

Ako na ang unang kumilos nginitian ko ang anak ko.

Ayos lang baby, alam kong ilang kapa kay papa pero masasanay ka din sa presensya ko dahil simula ngayon araw araw na tayong magsasama.

Withered Flower (Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon